Kabanata 8

12.3K 244 16
                                    

Kabanata 8
Sorry

----------

"I've been waiting there for almost three hours, Forseti... and you expect me not to be mad at you?" Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko at isinandal ko ang likod ko sa front seat, pagpasok namin sa kotse niya.

Kinuha naman ni Forseti ang isa kong kamay at pinisil niya yon.

"Baby, I'm sorry kung nakalimutan ko. I'm so sorry. Alam mo namang may problema sa bahay ngayon diba? Masyadong magulo ang isip ko. I'm so sorry." Nagsusumamo niyang sabi sa malambing na tono ng kanyang boses.

"This is the first time that you did this to me. Ang paghintayin ako ng ganon kahabang oras, na habang tahimik akong nakaupo at mag-isang nakatingin sa city lights. Pakiramdam ko hindi na ako mahalaga sayo, hindi na ako yung EA na hindi mo hahayaang maghintay ng napakatagal." Humapdi ang mga mata ko at naramdaman ko ang mainit na luhang tumulo mula sa mga mata ko na naglandas sa pisngi ko.

Sa restaurant palang gusto ko na talagang umiyak, pero pinipigilan ko dahil ayokong mag-isip ng kung ano ang mga makakakita sa'kin.

Ngayon, hindi ko na kaya. Masakit sa dibdib ang mag-ipon ng sama ng loob.

It's our fifth year and one month anniversary on this third day of march at ito ang unang beses na ako ang nag-set ng dinner date sa aming dalawa, dahil alam ko na may problema si Forseti. Two days ago, naghiwalay na ang parents niya at dahil nag-iisang anak si Forseti. I know it's hard for him.

I set a dinner date not just to celebrate, but also to comfort him, ngayon niya ako kailangan at nandito ako para sa kanya. Kakalimutan ko muna ang paghihinala ko sa kanya, dahil ngayon, nandito ako at ibinibigay ko sa kanya ang lahat ng oras ko para damayan siya sa problema niya.

Pero ang sakit lang, na nakalimutan niyang nandito ako na handang dumamay sa kanya.

"Alam ko naman na may problema ka sa pamilya mo, pero sana wag mong kalimutang nandito ako, Forseti. I'm your girlfriend, nandito ako para damayan ka sa problema mo."

"Sorry talaga, EA. Promise, this won't happen again." Dalawang kamay na niya ang nakahawak sa isa kong kamay at hinalikan niya pa iyon.

"Sige na, Forseti. Iuwi mo na'ko." At saka ko kinuha ang kamay ko sa kanya.

"Are you sure? Mahal? Hindi na'ba natin itutuloy yung dinner date natin?"

"Nawalan na'ko ng gana, Forseti. Just please, bring me home."

Bumuntong hininga siya at tumagilid naman ako sa kinauupuan ko, paharap sa bintana. Humapdi na naman ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo ulit.

Narinig kong tumunog na ang makina ng sasakyan at naramdaman ko ang pag-andar namin. Napapikit nalang ako kasunod ng pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.

Buong byahe na hindi ko inimik si Forseti. Sobrang nagtatampo lang talaga ako sa ginawa niya.

Pagkatapos ng ilang minutong byahe ay hininto ni Forseti ang sasakyan niya sa tapat ng gate namin.

"Mahal," naramdaman ko ang paghawak ni Forseti sa braso ko pero agad kong inalis ang kamay niya roon at saka ko siya nilingon.

"Forseti, please. Mag-usap nalang tayo sa ibang araw, not now."

Nangungusap ang mga mata niya na tumango sa akin at saka ako tuluyan ng lumabas ng kanyang kotse.

Pagpasok ko sa gate ay pakiramdam ko na babagsak na naman ang mga luha ko kaya nagmamadali akong pumasok ng bahay. Bubuksan ko na sana ang pinto papasok ng bigla kong marinig ang boses ni daddy.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon