Kabanata 39

11.6K 215 13
                                    

Kabanata 39
Forgiveness

----------

"Bakit hindi ito ang sinuot mo, EA?" Tanong sa akin ni Prima habang pinaplansta ni Ern ang buhok ko.

Mula sa salamin ay tinignan ko si Prima. Hawak-hawak niya ang high-waisted denim shorts ko na nakalatag sa kama. Iyon sana ang naisip kong isuot ngayon sa pool party na pupuntahan namin pero nagbago ang isip ko.

"Ah, kasi ano....Hindi ko feel magsuot ng shorts ngayon."

Ang dami kong shorts na mini at high-waisted, pero hanggang bahay ko nalang maisusuot ang mga yon ngayon. Ayaw ni Jethro ng nagsusuot ako ng ganoon kaiikling shorts. He's turning into a monster possessive secret boyfriend, kapag nakikita niya akong gumagala ng ganoon ang suot ko.

Isang exclusive pool party ang pupuntahan namin sa kabubukas lang na private resort ng mga Loredo. Naimbitahan kasi kami ni Third Loredo na kaibigan ni Jethro at ng mga pinsan kong lalaki, at napapabalitang type daw si Prima.

"We're done!" ani Ern habang nakangiti niyang tinitignan ang reflection ko sa salamin.

"Thanks, cous." Ani ko sa kanya.

Tumayo na ako sa upuan ko at pumalit naman sa akin si Lav na hinila pa ni Ern para maupo at makulot ang dulo ng buhok nito.

Napapangiti nalang ako habang tinitignan ko ang mukha ni Lav sa salamin. Salubong ang kanyang mga kilay at nakahalukipkip siya. Halatang wala siyang ganang magpaayos kay Ern.

Napatingin naman ako kay Prima na abala ngayon sa paglalagay ng make-up sa mukha niya habang nakaupo siya sa kama ko at nakatutok siya sa maliit at oval na salamin ng aking make-up kit.

Humarap naman ako sa Cheval mirror na nasa gilid ng white closet ko at tinignan ang sarili ko roon.

Naka itim akong high-waisted pants at itinack-in ko naman ang plain white v-neck shirts ko at nagsuot ako ng itim na two inches high-heels sandals. Naglagay din ako ng red matte lipstick at si Prima na ang naglagay sa akin ng kaunting blush-on at mascara, inayos niya rin ang eyebrows ko.

Alas-siete na ng muling tumawag sa akin si Jethro at kasalukuyan palang kaming papalabas ng bahay.

"We've been here for thirty minutes. Dapat sinundo nalang kita dyan eh." ani Jethro habang kausap ko siya sa phone ko. Bakas sa tono ng boses niya ang pagkainip.

"I'll see you later. Pasakay na kami ng kotse ni Ern."

"EA, remember my rules." madiin ang pagkakabigkas niya ng rules.

"Alright. Alam ko na po yon Mister Jethro Radford Elizconde."

"That's my darling."

Hindi ko man siya nakikita pero pakiramdam ko ay nakataas na ngayon ang sulok ng kanyang labi.

Mga twenty-five minutes yata ang naging byahe namin mula North Town Homes papunta sa Tipolo kung saan naroon ang private resort ng mga Loredo.

Papasok palang ang kotse ni Ern sa loob ng resort ay may ilan na kaming nakikitang invitees na basa ang mga katawan, nakatambay, naninigarilyo at may mga hawak na bote ng alak. Naroon sila sa tabi ng isang pond na may umaagos na tubig sa gilid, tila isa iyong water falls. Mapuno at mahalaman din sa parteng iyon.

Iginaya kami ng isa sa mga staff ng resort kung saan kami pwedeng mag-park. Nakita ko pa nga ang Rolls Royce ni Jethro di kalayuan sa amin.

Pagbaba namin ng kotse ay bakas sa mukha ni Ern at Prima ang excitement.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon