Kabanata 31

12.2K 243 12
                                    

Kabanata 31
I'm fine

--------------------

Saturday morning ng makarating kami sa naga, cebu. Dalawang van ang dala namin at dahil nahihiya yata si Timothy na sumakay sa van kasama ang mga flings at iba niyang kaibigan, dinala niya ang sasakyan niya at iyon ang ginamit nila. Nagsarili rin si Westly ng sasakyan at kasama niya roon si Easton na may ilan ding kasamang babae at mga kaibigan.

Sa van ay kami-kami lang ni Prima, Lav, Ern, kuya Luke, Eira, Tommy at Melanie ang narito. Sa kabilang van kasi ay naroon ang parents ko at ang mga tito't tita ko.

"Happy birthday, Jethro!" Bati ng marami kay Jethro pagdating namin sa bahay nila mamsie at papsie.

Sa court yard palang ay sinalubong niya na kami. He was just wearing his white sando at sweat shorts na black. Friday night ay narito na siya sa naga.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay napuno iyon ng ingay.

Nakita kong nagyakap si dad at papsie. Niyakap din ng iba kong tito si papsie, si mamsie naman ay nakikipag beso sa mga tita ko at kay mommy.

Sabay-sabay kung magsalita ang lahat na para bang miss na miss nila ang isat-isa. Kanya-kanya sila ng batuhan ng kwento.

Napangiti ako ng makita kong ipinapakilala ni Tommy si Melanie kay mamsie. Hindi ko alam kung kailan naging sila pero ayan na nga, they're official now and I'm happy for Tommy kasi maswerte siya kay Melanie.

Matalino si Melanie, maganda at lumaki sa isang marangal at marangyang pamilya. Wala kang maipipintas dito at walang dahilan para maging mali ang kung ano mang meron sa kanila, ganoon pa man. I feel sad for Westly nakikita ko kasi sa mga mata niya na nasasaktan siya, alam naming magpipinsan na gusto niya si Melanie, alam din naman ni Tommy yon kaya lang ay sa pagkakaalam ko, si Tommy talaga ang nauna kay Melanie kaya nagparaya nalang si Westly na ngayon ay mukhang papunta sa veranda para marahil mapag-isa at kimkimin ang sakit na nararamdaman niya. I know how he feels kasi ganyan rin naman ako sa tuwing gusto kong itago sa lahat na nasasaktan ako, all you want to do is to be alone, so no one can see how hurt you are.

Muli kong itinuon ang atensyon ko kay Jethro na kasalukuyang nakikipagtawanan kay daddy at sa mga tito ko. Nakita ko pa ngang inakbayan siya ni tito William at tila pinipilipit siya nito sa leeg at saka ginulo ang kanyang buhok. Hindi talaga maitatanggi na siya ang original Timothy William at hindi kataka-takang sa kanya nagmana si Timothy Junior.

"Parating narin ang ilan nating kamag-anak, baka nga nasa airport na ang mga yon." ani Papsie.

Saglit naming iniwan ang boys para pumunta sa malawak na backyard kung saan nakaayos na roon ang mga mesa at upuang gagamitin mamaya. Puti ang mga tablecloth ng bawat mesa at upuan, may mga kurtinang puti at kulay asul sa itaas, may mga lobo rin doon. Sa gilid ay nakaset-up na ang sound system, may maliit na stage pa nga sa gitna kung saan ay may malaking led screen na hindi pa pinagagana.

"Ang ganda po, mamsie." ani Ern habang pinapasadahan niya ng tingin ang paligid.

"Ma, is this the buffet table?" Tanong naman ni tita Sylvia. Asawa ni tito Miguel na daddy ng kambal at ni Prima.

"Oo, anak." Nakangiting sagot ni mamsie.

Mahaba ang buffet table na may white and blue tablecloth, pa horizontal ang pagkakatakip sa white tablecloth at vertical naman ang sa tablecloth na kulay blue.

"Di ka kumuha ng catering, ma?" Tanong naman ni tita Ebony. Asawa ni tito Fredrick na daddy naman ni Ern.

"Meron, pero magpapaluto rin ako ng iba pang putahe sa mga katulong."

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon