SIMULA

2.6K 67 52
                                    

Azalea Rose POV

"Lea ano ba gigising ka o hindi?" Omyghad napaupo ako sa gulat.

"Po?" Sagot ko sabay pikit ng mata. Inaantok pa ako.

"First day ng pasukan at magpapalate ka? Anong oras na oh" Eh? Tiningnan ko yung wall clock sa kwarto ko at shit 15 minutes left mag alas otso na.

Pumasok ako kaagad sa banyo at naligo. Shampoo. Sabon. Banlaw. Brush ng teeth. Fresh na

Sinuot ko ang school uniform ko at tinali na kaagad ang buhok kahit basa pa at hindi ko pa nasuklayan, sa school nalang

"Ayusin mo naman ang sarili mo" Suway sakin ni Mama.

"Opo Ma pero sa school na, salamat sa lunchbox bye po" Sabay halik sa pisngi niya.

Nilagay ko sa basket ng bike ko ang bag at lunchbox tsaka sumakay at nagpedal.

Pagkarating ko ng school bumungad kaagad ang mapeh teacher na pinapagalitan ang mga student malamang mapapasama ako dahil late na.

"Yes miss bulaklak anong gagawin mo?" Tanong niya saakin nang lumapit ako sa ibang students na pinapagalitan niya.

"Late po" Sabi ko.

Ngumiti siya at sumenyas na pinapaalis na ako.

"Kay tangang bata" Narinig kong sabi ni teacher kaya nagtawanan ang ibang mga estudyante.

Oo na ako na ang tanga kainis.

Pumasok ako sa classroom at shempre 'yung mga kaklase kong ulol na parang ewan pinagmamasdan ako hanggang sa makaupo. Kinuha ko ang suklay ko sa bag at inalis ang tali ng buhok saka nagsimulang suklayin ang buhok.

"Ano ba 'yan wala bang salamin sa bahay niyo, Azalea?" Tanong ni Anya ang nag-iisang kaibigan ko.

Maayos naman siya saakin pero madalas mean tanggap ko na no panget/tanga ako.

"Nagmamadali na ako eh" Paliwanag ko. Totoo namang nagmamadali ako diba? Hindi niya lang alam pati sa pagligo nagmamadali rin ako.

"Hay jusko hihimatayin ako sayo, akin na nga yan" Saka niya inagaw ang suklay.

"Matuto ka namang mag suklay Azalea ah tsaka mag shampoo ka rin" Sorry naman nagmamadali na nga diba at nagshampoo naman ako ah.

Naka-upo na kami sa kanya kanyang upuan nang dumating si Maam english na may dalang balita.

"Class may bago kayong classmate please be good okay?" Nag-yes naman kaming lahat. Eto naman si Ma'am may pa please be good eh mababait naman talaga kami ohsige na nga 50/50 nalang.

"Miss come in and introduce yourself" Pumasok naman ang isang babae napahiyaw ang mga lalaki naming kaklase na parang nakakita ng gold.

Long hair may maputing balat, mapupulang labi at matangos na ilong. Mahabang pilik mata, ang perfect niyang tingnan kaso alam ko na 'tong mga ganitong itsura maganda sa labas panget sa loob.

"Hello classmate I'm Elle Mania Chavez, nice to meet you all" Sabay ngiti niya ulit na nagpahiyaw na naman sa mga malalandi kong kaklase.

Tulad ng dating gawi. Introduce yourself ang peg namin sa umagang iyon. Shempre pinagkaguluhan nila ang bago naming kaklase. Parang ewan din ito sila. Parang ngayon lang nakakita ng maganda. Ang dami namang maganda sa klase. Ganon na rin siguro noh. Kung may bago pagkakaguluhun talaga. Nature na ng mga tao.

Nasa canteen kami nang nahagip ng mata ko ang table nila Elle. Kasama mga kaklase namin at ibang estudyante.

"Hoy Azalea bakit ba titig na titig ka riyan sa Elle na 'yan?" Tanong ni Anya. Ano ba naman iyan panira ng diskarte.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon