AZALEA ROSE MEDINA'S POV
"May practice tayo mamaya, lalo na iyong Acapella group" Anunsyo ni Stephie matapos ang ilang salita.
Tuwing nobyembre ginaganap ang foundation day at bilang isang music club nakatoka na naman ang grupo sa pamimigay ng intermission o pamukaw sigla para sa madla.
Nasa kategoryang duet kami ni Leonardo, si Yohan ay nagsolo habang sina Megumi, Megan at si Anton ay trio at ang ilan sa aming grupo ay Acapella bukod kay Stephie na hindi kabilang dahil siya ang trainor ng acapella.
Nagpaiwan ako nang tinapos ni Stephie ang pagpupulong, mahigit anim na buwan na kaming magkaibigan ni Stephie kabilang na ang pinsan nitong si Claire at Luis na nakasama niya noong panahon na inakala kong masamang tao sila.
Sobrang bait nila sa akin, alam mo iyong feeling na sakanila ko naramdaman ang tunay na pamilya. I mean, iyong care ng isang ate, pinsan na hindi ko man lang naramdaman sa mga pinsan ko. Sobrang tuwa ko nga nang dumating sa buhay namin si Dahlia, kahit papaano ay naging makulay naman ang buhay teenager ko dahil sa kakulitan niya. Kung wala siguro si Dahlia, mga kaibigan ko, sina Mama siguro sobrang lungkot ng buhay ko, siguro hindi ako masaya.
"Pwede ba kitang isama? may reunion kasi kaming buong pamilya" Wika ni Stephie nang makaupo ako sa tabi niya.
May sinusuri siyang mga papel sa lamesa niya. Alam ko namang malapit na ang loob namin sa isa't isa pero hindi ko naman akalain na ganito, iyong tipong gusto niya pa ako isama sa reunion ng pamilya nila. Nakakahiya at bukod doon baka ma-ilang pa ako.
"Magkaibigan tayo Stephie at hindi pamilya, I mean iyong totoong pamilya. Ma-out of place lang ako roon, tsaka reunion niyo hindi ba? bakit kailangan mo pa akong isama?" Makabuluhan kong tanong.
Tama naman hindi ba, buong Monteverde ang naroroon at ako lang ang Medina. Tinigil niya ang kanyang ginagawa, binitawan ang hawak na ballpen at maririing mga mata ang tumitig sa akin. Pinantayan ko ang mga titig niya.
Stephie.. ano ba talaga ang ibig sabihin nito?
Ang pagiging mabait ni Stephie sa akin ay kahina-hinala, isama mo pa ang misteryoso niyang pinsan na sina Claire at Luis, iyong tipong mahuhuli ko na lang sila na bumubulong, nagtitigan na animo'y hindi ko pwede marinig o malaman ang pinag-usapan nila. Kapag tinatanong ko naman lagi nilang sinasabi na may plano silang outing at isasama nila ako. Hindi ba kung isasama nila ako dapat kasali ako sa usapan, ang weird nila.
"Hindi kana kasi iba sa akin Azalea, para na kitang kapatid unless kaibigan lang ako para sayo" Sabi nito at niligpit na ang kanyang gamit.
Namilog ang mata ko at napaisip bigla, nag-iiba na naman si Stephie. Nagiging weird na naman!
"More than friend turing ko sayo, kung pwede lang kitang tawagin ate ginawa ko na" Dipensa ko.
Bigla siyang humarap sa akin na may ngiti sa labi, lumapit na rin siya nang ngumunguso at inayos ang ilang hibla ng buhok ko.
"Pwede mo naman akong tawaging ate, tutal ate mo naman talaga ako" Sabay haplos nito sa aking pisngi.
Para akong kinilabutan sa sinabi ni Stephie, dinungaw ko ang balahibo ko sa braso at talagang literal ang pagtayo ng buhok doon. Lumunok ako at tumingin kay Stephie, kuminang ang mga mata niyang nakadirekta sa akin. Parang may kung ano siyang gustong sabihin, kinunutan ko siya ng noo dahil pansin ko na ang nagbabadyang luha sa kanyang mata, ang labi nitong nakaawang na handa nang magsalita pero hindi niya tinuloy, hindi niya sinabi ang gusto niyang iparinig sa akin. Hindi siya nagsalita at basta na lang siyang umiyak.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...