KABANATA 27

203 10 0
                                    

Bago natapos ang summer ay nakauwi na sina Anya, ang sabi niya dadalaw ito ngayong araw. Gusto niyang makita at makilala ang kapatid kong si Dahlia.

Si Dahlia ay hindi na ganoon katahimik, unti-unti na siyang nasasanay sa amin. Nagiging makulit na rin siya at mahilig magbasa ng libro.

Parang kailan lang kakarating niya lang sa bahay, kakakilala lang namin pero ngayon isang buwan na ang lumipas simula noong dinala siya ng guardian angel niya sa amin, simula noong pinakilala siya ng panginoon sa amin. Sa mga araw na kasama ko siya masasabi kong marami siyang natutunan sa bahay ampunan, tulad na lang sa gawaing bahay, sa paglilinis ng kanyang kwarto, sa paglalaba at paghugas ng pinggan. Minsan nga naabutan siya ni Mama na naglalaba ng damit namin, galit na galit si Mama kasi ginawa niya iyon alam niya naman na may pumupunta sa bahay tuwing linggo para maglaba.

Pinagsabihan siya na huwag na iyon gawin pa, kahit maglinis ng bahay. Pero sa tingin ko nakasanayan niya nang gawin kaya kahit ilang ulit pa siyang pagsabihan hindi niya talaga sinusunod. Kahit maliliit na bagay gagawin niya talaga, nahihiya tuloy ako. Alam mo iyong mas matanda pa ako sa kanya pero mas matanda pa siya mag-isip kaysa sa akin!

"Dahlia, huwag kang mahihiya bukas may dadalaw sa atin" sabi ko sakanya.

Balik trabaho na naman ang Dad namin, si Mama may sariling lakad base sa narinig ko, maghahanap siya ng eskwelahan na papasukan nitong kapatid ko.

Suggest ko nga pag-uwi n'on na sa dati kong eskwelahan enrolin itong si Dahlia, at least malapit lang sa subdivision. Hindi na mahirapan si Dahlia umuwi, baka mawala pa ito kung sa malayo.

"Okay po, ate" sagot niya.

Kinukulayan niya ang binili kong adult drawing book. Ito iyong sinasabi ko eh, kapag wala si Mama may kausap ako, hindi iyong wala sila at sarili ko lang ang kinakausap ko. Para akong baliw non!

Kung kailan nilalasap mo ang oras saka naman ito tatakbo nang mabilis, nakikipaglaro talaga ano. Kung kailan ayaw na ayaw mo sa araw mo saka naman ito pinapahaba, naranasan niyo na ba iyon? Iyong tipong gusto niya na lang na matapos ang araw?

Hindi pa ako nakakalabas ng kwarto ko nang marinig ko na ang boses ng kaibigan sa labas.

"Yuhooo, Azaleaaaaa!" Tingnan mo nga naman, kahit kailan hyper talaga ang isang 'to.

Binuksan ko na ang pinto nang matigil na siya, ngiting-ngiti naman si Anya at yumakap bigla.

"Namiss kita, nga pala na saan na si Dahlia?" Humiwalay na siya sa yakap at sinuri ang paligid.

"Ako ba ang namimiss mo? O ang kapatid ko?" Pang-asar ko.

Alam ko naman na kapatid ko ang pinunta niya, marami sila na gustong makilala si Dahlia. Halos buong barkada gusto makilala si Dahlia, ayoko nga ipakita baka agawin sa akin! Mawala atensyon nito sa akin at hanap-hanapin sila!

"Che, at least namimiss ka ni Kambal" ang layo sa naging sagot niya sa tanong ko.

Inirapan ko si Anya, kung namimiss ako noon bakit walang paramdam? Ayoko na lang magtanong pa baka bigyan ng malisya nitong kambal niya. Ang mga titig pa nito parang nanghahamon!

Dinala ko na siya sa labas upang sunduin ang kapatid naming nasa kabilang kwarto, kumatok ako at hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto. Si Dahlia na may tanong sa mukha ang bumungad. Itong nasa likod ko hindi na nakapagpigil at nagsalita na.

"Hi my little bessywap" may pakaway-kaway pa siyang nalalaman.

Ngumiti si Dahlia pero isang pilit na ngiti.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon