KABANATA 25

233 11 1
                                    

Nagising ako ng alas nuwebe, normal na araw para saakin ngunit ang araw na ito ay espesyal. Ngayong araw ang dating ni Dad, walang eksaktong oras. I did my morning routine, as usual hindi na katulad ng dati na halos lima hanggang sampung minuto lamang ang itatagal ko sa banyo, ngayon halos mag-iisang oras ako. Marami na akong natutunan sa pag-aalaga ng katawan, ang ilang rekomendasyon ay kay Tita. Mula sa ulo hanggang paa may kalakip na pag-aalaga.

Habang bino-blow dry ko ang aking buhok, umilaw ang aking telepono, hindi kalayuan sa akin. Tinapos ko muna ang pagbo-blow dry bago inabot ang telepono, may natanggap akong mensahe galing kay Leo at Anya. Ang morning messages nila na hindi pa rin nawawala, kahit bago matulog may text sila.

Leo:
Good Morning sleepy head.

Nga naman, sleepy head na ako ngayon. Tsk.

Anya:
Masarap siguro magbakasyon kasama ang barkada? namimiss ko na kayo.

Kami ba ang namimiss mo o siya lang? Hindi iyon ang inireplyan ko. Sumang-ayon lamang ako sa kanyang mensahe. Nagtipa na rin ako ng mensahe para kay Leo.

Ako:
Wala namang pasok kaya okay lang nahuhuli ng gising.

Saglit kong binitawan ang telepono at pinahiran ng vaseline ang aking labi ko, ang sabi ni Tita iniiwasan daw nito ang pagbabalat ng labi. Nag-apply rin ako ng moisturizer sa aking mukha, hindi na ako nag-abala pang kulayan ang aking kilay dahil may natural na itong ganda. May sariling kurba na tila sinadya, medyo makapal nga lang dahil hindi ako nagpapa-thread. Noong sinubukan ko halos maiyak na ako sa sakit, maluha-luha ang mata ko sa ilang buhok na nakuha.

Tumayo ako at tiningnan ang repleksyon sa aking salamin. Suot ko ang padala ni Tita na tattered jeans at kulay abo na smoked shoulder top na binili ni Mama. Nakalugay ang buhok ko, halos hindi makilala ang sarili pero heto na yata ang pinakamagandang bersyon ng Azalea. Walang bakas ng kalungkutan, walang bakas ng nakaraan, ng hinanakit at paghihiganti. Wala, wala akong nakita kung hindi ang Azalea na dati ng ganito. Hitsura lang ang nagbago, natuto lamang mag-ayos, natuto bumagay sa panahon.

Ngumiti ako sa nakikitang repleksyon, pinantayan nito ang ngiti ko. Wala ng nakabaon sa aking puso, I learned to accept the fact by feeling it. Natutunan kong tanggapin ang nangyari sa paulit-ulit na pag-aalala nito. Natutunan kong hindi tama sa pamamagitan ng paglasap nito.

I learned a lot from the past, hindi na dapat maging hadlang ang nangyari bagkus maging leksyon para sa hinaharap. Kailangan lang pala ng kapatawaran, ng pagtanggap sa nangyari. Walang mawawala kung hahayaan mo ang mga bagay na nangyari, okay lang na manatili sa sakit huwag lamang asamin ng buong-buo. Huwag hayaan na manatili sa sakit, huwag hayaan manatili sa nakaraan bagkus hayaan ang sarili na tanggapin at matuto sa lahat ng nangyari.

Iyon ang natutunan ko sa nakaraang araw ng summer, ng pagmumuni ko mag-isa. Sa pamamagitan noon nakapag-isip-isip ako, naitimbang ko ang nangyari. Natutunan kong palayain ang sarili sa sakit, natutunan kong kumawala sa nakaraan. Tama nga ang sinasabi nila, ikaw at ikaw lamang ang makakatulong sa sarili mo. Sarili mo lamang ang sagot, kasangkapan upang lumaya.

It takes time, huwag madaliin. Ang proseso ng pagtanggap ay matagal, tulad ko. Ilang buwan nakatanim sa aking puso ang sakit, kusa mo na lang din mararamdaman na okay kana. Darating at darating ang panahong iyon. Hinusayan ng Panginoon ang lahat, binigyan niya ako ng pagkakataong mamulat, mamulat kasama ang sarili ko.

Binasa ko ang kakarating lang na mensahe ni Leo.

Leo:
It's 29 days since the last day I saw you.

Teka. Bilang na bilang niya ah, binilang ko rin kung ilang araw na nga at tama siya, tama siya pagkalkula ng araw. Kung ganoon, alam niya rin kung ilang araw niya na huling nakita si Stacey?

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon