KABANATA 1

1K 45 172
                                    


CLAP.CLAP.CLAP

"Wow Azalea ang ganda pala ng boses mo?"  Sigaw ni Leslie.

Nakatayo parin ako sa harapan ng mga kaklase ko. Nasa kabilang side si Sir habang nakatunganga saakin at malayo ang tingin.

"May talent ka pala talaga, sayang bakit ngayon lang namin narinig ang boses mo. Pwede pa-request?" Tumayo pa talaga si Angelica para lang sabihin iyon.

Nahihiya tuloy ako.

"Hehehe" Sabay peace sign ko.

Magsasalita pa sana si Angelica nang hinila na ako ni Anya.

"Wow friend ah kinabog mo ang lahat. Me is so nervous" Sabi ni Anya.

"Kaya mo yan Anya" sabi ko sakanya.

First time nilang narinig na kumanta ako. Sa tagal ko na silang nakasama ngayon pa lang ako tinamaan. Nasaktan kasi ako.

Hindi ko alam kung saan ko namana ang pagiging musikera. Si Mama ko hindi naman kumakanta lalo na si Papa ko. Mahilig iyon sa baril hindi sa instruments.

Isa rin iyon sa dahilan ko. Kung bakit sinosolo ko ang katangian kong ito. Hindi ko naman kasi alam kung paano gamitin? Ano sa bahay lang din naman ako kumakanta. Ngayon lang talaga may nakarinig saakin bukod sa sarili ko.

"Miss Medina, You have a beautiful Voice." Sabi ni Sir pagkatapos ng number 11.

Nahiya naman ako sa sinabi ni Sir.

Natapos ang pagperform ng iba ko pang kaklase, at si Anya? Nag feeling Elsa sa kinanta, sigawan ng buong klase ang naririnig ko bukod sa boses niyang makabasag salamin.

"Grabe friend ang GANDA GANDA NG BOSES MO" Sigaw ng kaklase naming si Angelica. Tinawanan namin ang sinabi niya dahil kabaliktaran iyon.

Sumimangot siya at tinapunan kami ng matatalim na tingin. Hindi siya nahiya at tiningnan niya rin si Sir sa ganong paraan. Padabog niyang nilisan ang harapan upang tumabi saakin. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang kanyang hinaing sa buong klase.

"Akala niyo naman ang peperfect niyo. Hoy! Si Azalea at Elle lang ata ang perfect ngayon araw. Huwag kayong ano ah! kapag ako gumaling W H O Y O U kayo saakin!" Gigil na gigil siya sa kanyang kinauupuan, pinagtripan pa ang paborito niyang notebook.

Tumigil siya nang napansing masisira niya ang kanyang paboritong notebook kung magpapatuloy siya. Maya-maya ay nakaramdam ako ng sakit nang hampasin niya ako.

"Hala! Azalea naman, bakit hindi mo ako pinigilan? Kainis ka naman eh! Na mesmerized kaba sa boses ko?" Nagpapanic niyang bulyaw saakin.

Hinaplos ko ang brasong hinampas niya ng notebook. Itong baliw tong, nagmana ba to saakin? O ako ang nagmana sakanya? Which is which?

"Hay nako. Tumigil kana Anya ah. Grabe kana saakin." Paghihimutok ko sakanya.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon