Nakatitig ako ngayon sa repleksyon ko sa salamin, pulang-pula ang magkabilang pisngi ko. Ang blush on ko'y lalong nadedepina dahil sa umuusbong na pakiramdam.
"Azalea, tama na. Nakalimutan mo na ba kung paano ka niya sinaktan. Kung paano niya kinuwestiyon ang pagmamahal mo sakanya" mariin kong paalala sa salaming nagbibigay ng parehong emosyon na mayroon ako.
Pumikit ako nang mariin, sa pag-alala ng ginawa niya'y nagpadurog sa puso ko. Nadudurog ulit, paulit-ulit.
Hindi man lang natuto ang puso ko. Akala ko'y okay na ako. Akala ko'y hinding-hindi na ako maaapektuhan. Mali ako. Mali ako dahil ilang salita pa lamang ang naririnig ko, natutunaw na ng unti-unti ang yelong nakabalot sa puso ko. Ang pader na pilit kong gawing panangga sa mga salitang maaari kong marinig.
Mahina pa rin ako, mahina pa rin ang Azaleyang pinilit na magbago, mahina pa rin ang babaeng bigo. Mahina pa rin ang babaeng nagpapalakas. Mahinang-mahina pa rin.
Kinalma ko ng ilang sandali ang sistemang nag-aalburuto. Nang sa tingin ko'y okay na ako nagpasya na akong lumabas. Sinalubong ko ang maingay na paligid, mas maingay kaysa sa loob ng comfort room.
Tanaw ko ang magulang ko na parehong nakatayo, nakikipagtawanan at nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nila. Lumapit ako, hindi ko na inabala pa ang mga magulang sa ginagawang pakikipagsalamuha. Umupo ako sa upuang para sa akin.
Bakit ba ako naaapektuhan. Hindi na dapat eh, wala naman akong makukuha.
Hinanap ko ang cellphone ko, may iilang mensahe akong nabasa. Karamihan sa mga hindi kilalang numero. Hindi ko na pinagbigyan ng pansin dahil paulit-ulit lang naman ang text nito.
I search for Leo's message.
Leo:
I hate holidays.Napangiwi ako, kasali na rin siya sa mga estudyanteng kinamumuhian ang holidays. Nagtipa ako ng mensahe para kay Leo.
Me:
Dahil wala kang matututunan?Mabilis pa sa automatic machine ang kanyang reply. Nakatanggap kaagad ako, tansta ko hindi pa umabot ng isang segundo. Oo ganoon kabilis.
Leo:
Dahil hindi kita nakikita, hindi kita nararamdaman.Napapailing ako sa kapilyuhan ni Leo. Masaya ako na ganito siya sa akin, masaya ako. Hindi ko nga lang alam kung anong pumipigil sa akin.
"Sayang at hindi niyo man lang nasundan itong si Azalea, kung may Jr. ka lang siguro Julius baka'y katulad mo rin siyang paparangalan ng samu't saring papuri" Tumatawang wika ni Chief Lucas.
Ngumisi ang Dad ko. Ngumiti naman si Mama habang ako'y namumula.
"Kasalungat yata ng katapangan nitong si Julius ang magparami" Pabirong banat ni PO3 Misal.
Alas singko na ng hapon kami nakauwi. Ang Dad ko'y nahirapang umiwas dahil kahit saan siya lumingon marami ang gustong makipagkwentuhan sakanya. Si Dad ay isa sa mga hinahangaan ng kanyang batallion kaya ganoon na lamang ang mga ito. Maraming papuri ang natanggap ni Dad. Parang siya ang bida sa kasal.
Nagpahinga ako pagkarating namin, napagod ang aking katawan. Kahit na wala naman akong ginawa para mapagod. Sa sobrang pagod ko 7:45 pm na ako nagising ulit.
Inayos ko muna ang sarili bago lumabas, pumanhik sa sala kung saan sina Mama at Dad. Nakisali ako sakanilang pinag-usapan. Ang debut at graduation ko.
Kinunsulta ako ni Mama kung anong ganap ba ang gusto ko.
"Okay na po ako sa simple Mama basta memorable. Wala na po akong hinihiling pa Ma. I just want the both of you to be proud of me. Masaya na po ako na kasama ko kayo ni Dad" Pahayag ko.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...