KABANATA 40

453 10 0
                                    

AZALEA ROSE MEDINA/MONTEVERDE'S POV

Isang linggo na ang lumipas simula noong malaman ko ang katotohanan sa buhay ko. Ang hirap paniwalaan ng lahat-lahat dahil ang taong tumanggap at nagpalaki sa akin ay sobra ko nang minahal, higit pa sa tunay. Halo-halong emosyon ang mayroon ako noon, sakit, tuwa, pait, pagkamuhi at katanungan pero sa huli mas pinili ko pa ring pakinggan kung anong tama at dapat na gawin sa nangyari.

Hindi nga tama ang ginawa ng kinalakihan kong pamilya na huwag ipaalam sa akin ang totoo pero hindi ko rin sila masisisi, dahil sa karamdaman ni Mama lubos ko siyang nauunawan. Tulad niya minsan na rin akong nangarap na magkaroon ng kaibigan, ng makakausap, ng kapatid. Ang dahilan ng paglihim nilang iyon ay para rin sa akin.

Nakausap ko na rin si Tita Leslie na siyang tunay kong ina, kaya nauunawan ko na rin kung bakit ganoon na lamang ang pakitungo niya sa akin noon, sobra akong nasaktan dahil bilang isang tao marunong din ako makaramdam ng sakit, sakit na ang dahilan ay ang pag-iwan at pagtalikod niya sa akin.

Hindi sapat ang dahilan na hindi niya ako kayang alagaan dahil marami na akong nababalitaang single mom na nagtagumpay sa pagpapalaki ng anak. Nasa determinasyon na iyon ng isang tao kung anong paraan ang gagawin upang makaraos, sa estado ni tita hindi niya ako ipinaglaban at higit na pinili ang buhay niya sa Japan. Hindi ko masasabing nagpakasarap siya sa Japan dahil hindi ko naman iyon nakita at hindi ko rin naranasan.

"Ma.. kaya po ba hindi niyo ako nasundan dahil hindi kayo pwedeng manganak." Tanong ko kay Mama.

Alas onse ng umaga, sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Katabi rin namin si Dahlia na may dalang adult coloring book.

Tumango si Mama at bahagyang humaplos sa buhok ko.

" Pero kahit na ganoon nabiyayaan naman kami ng dalawang magagandang anak, sobrang bait pa ng mga anak ko." Napangiti ako dahil doon.

"Nagpapasalamat ako anak sa Diyos na kahit ganoon man ang nangyari may himala pa rin, nabigyan niya pa rin kami ng kaligayahan." Bahagya kong sinandig ang katawam ko kay Mama, binibigay ang kaunting bigat ng aking katawan.

"Ako rin Ma, nagpapasalamat po ako sa Diyos na may taong handang tumanggap sa akin. Hindi lang po isa ang pamilya ko, tatlo pa po. Kayo ni Dad, sina Tita at ang tatay kong si Cristofer." Iyon ang totoo. Kahit masakit natuto pa rin ako na tumingin sa kagandahan nito at hindi sa masamang epekto nito.

"Hindi po madaling tanggapin ang nangyari Ma pero kung hahayaan kong ikulong ang sarili baka lalo lang po lumago ang galit na meron ako." Nakangiti kong sambit.

Nagpapasalamat ako sa isang taong nagturo sa akin na huwag magtanim ng galit. Okay lang magalit, makaramdam ng galit pero hindi okay ang magdusa at palaguin lalo ang galit. Time will heal, iyon ang katagang sinambit ni Leo noong nag-usap kami sa cellphone.

"Natutuwa ako at hindi ka nagtanim ng galit sa puso mo anak, dahil galit ang dahilan kung bakit nagiging masama ang tao." Wika ni Mama at naramdaman kong humalik siya sa ulo ko. Kaagad ko namang niyakap ang braso ko sakanya.

"Dahil po iyon sa inyo Ma, pinalaki niyo po ako ng tama. Salamat po sa labis-labis na pagmamahal Mama" saka ako sumiksik sa Mama ko.

Noong nakaraan sobrang bigat ng puso ko, ngayon naman parang may humila niyon at itinapon sa kawalan. Wala nang kahit anong mabigat sa puso ko pero ang pinagtataka ko kung kausap ko si Leo para bang sobrang nabibigatan ako sa enerhiya namin. Parang sobrang bigat ng sitwasyon.. Hindi ko maintindihan, simula noong hinatid niya ako noong gabing nalaman ko ang katotohanan may kaba nang pumupuslit sa tuwing kausap ko siya.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon