KABANATA 30

253 10 0
                                    

Wala akong kawala kay Leo lalo na't tinitigan niya ako ngayong nang maririin sa mata. Ngumuso ako, tinatago ang tunay na ngiti. Hindi ko kasi mapigilan ang himahinasyon ko at kung saan-saan na ito napadpad!

Hindi rin ako makapaniwala na iniwan ako ni Anya kasama itong kambal niya, mukhang planado ang pagsabutahe sa akin ni Anya.

"May gusto ka bang sabahin? may klase kasi ako eh" Pukaw ko sa katahimikan.

Pwede na siguro ako isalang sa aktingan, ang galing kong magtago ng nararamdaman! Walang bahid ng kaba, ng nginig ang boses ko kasalungat sa tunay kong nararamdaman. Ramdam ko ang hindi normal na tibok ng puso ko, ang nangangatog kong binti, ang panginginig ng daliri ko.

Hindi siya nagsalita kaya inangat ko ang tingin ko at hinanap ang kanya, nakadungaw siya ngayon sa akin na para bang may nireresolba siyang napakahirap na puzzle game. Ang pagkunot ng noo nito, halos magdikit ang mga kilay niya at mata niyang walang humpay sa pagbibigay ng parehong intensyon sa akin.

"Marami. Marami at sa tingin ko hindi sapat ang isang araw na pag-uusap" Sagot niya sa mababang tono ng pananalita.

Gusto kong umirap dahil sa sinabi niya, ganoon ba karami ang sasabihin niya? ano tungkol sa relasyon nila ni Stacey? Sinilip ko ang oras sa cellphone ko, pitong minuto na lamang magsisimula na ang klase ko.

Nilakbay ko ang palad na nakalahad sa akin, tinaasan ako ng kilay ni Leo at sinasabing kumapit ka nang matulungan kitang tumayo. Lalo lang ako nabadtrip, iba ang dating ng pahiwatig niyang iyon. Kahit ako ang nagbigay ng kahulugan! Kumapit ako para matulungang tumayo? talaga lang ha, at noong kumapit nga ako anong nangyari? muntik na nga ako mabuwal dahil sa iba siya nakatingin!

Hindi na ako nagreklamo nang inagaw niya sa akin ang bag ko, sinuot niya sa kanyang leeg ang sling bag ko at sabay naming nilakad ang malawak na soccer field, hindi ko alam at parang handang-handa si Leo sa paparating na bagyo, may dala itong payong na agad niyang binuksan upang hindi kami masinagan ng mainit na araw.

"Better" hinila niya ako palapit sa katawan niya!

Sana lang hindi niya maramdaman ang panginginig ko, kung hindi ko siguro inaliw ang sarili sa kapaligiran ng eskwelahan baka kanina pa ako nabuwal sa ginagawa ni Leo, oh my gosh! Hinawakan niya ang balikat ko kaya ang labas ay nakaakbay siya sa akin.

"Uy, Azalea" bati ni Anton na nakasalubong namin.

Inalis ko naman kaagad ang nakaakbay na braso ni Leo sa akin at ngumiti kay Anton.

"Huwag kang mawawala ah, alas kwatro ang meeting" Alam ko 'yon. Narinig ko ang pag-uusap nila sa silid ng Himig natin.

Tumango ako at ganoon din ang ginawa ni Anton at maya't maya'y sumenyas siyang aalis na kaya tumango muli ako at kumaway kay Anton. Nang mawala na sa paningin ko si Anton sinulyapan ko naman ang kasamang Leon, diretso ang mga mata nito sa akin, tinitingnan ako nang maririin gamit ang malamig niyang tingin na animo'y nakagawa ako ng krimen at kailangan kong managot sa batas ng mabangis na Leon. Ayokong isipin na nagseselos siya, pero hindi ko rin maalis sa isipan ko ang imahe ni Leon sa aking harapan. Gusto kong ngumiti pero natatakot ako na mapansin niyang may epekto siya sa akin. Kaya imbes na sundin ang tunay kong damdamin ay inirapan ko siya't iniwan sa malawak na soccer field, hindi ko napansin na sinundan niya ako kaya't sising-sisi akong lumingon sa gawi ni Leo, nanatili siyang nakatayo sa gitna ng kalawakan ng soccer field.

Sa pwesto ko ngayon hindi makikita ang kanyang mukha, nakatalikod kasi ito at natatabunan ng payong ang kanyang pang itaas na katawan.

Tuluyan kong nang iniwan si Leo nang tumunog ang panghapong alarma ng eskwelahan, malakas at maingay ang tunog ng alarmang yaon ngunit walang makapapantay sa dagundong ng tuliro kong puso. Maingay ito na tila may programang ginaganap, marahan kong pinukpok ang aking puso dahil sa kakaiba nitong kilos, ano ba? may sakit na ba ako? shit at sa puso pa talaga!

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon