KABANATA 37

246 8 0
                                    

Tumayo na kaagad ako nang matanaw kong papalapit ang Lola ni Yohansa aming table, nagpasalamat ako sa masarap na pagkain.

"Thank you, babalik po ako rito sa susunod. Masarap po ang specialty ninyong pasta Ma'am" Sabi ko nang may ngiti sa labi.

Ngumisi ang Lola ni Yohan, kung pagmamasdan mo siya ngayon hindi mo makikitaan ng katandaan kundi isang pilya na Lola. Kakaiba ang ngiti niya sa akin, parang nanunuya!

"Napaka-pormal mo naman Hija, tawagin mo na lang akong Lola o La gaya nitong apo ko" Aniya at bahagya pang lumapit sa akin.

Nakitaan ko siya ngayon ng pagkamangha nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin, titig na titig sa aking mata at kalaunay pinasadanan ang buo kong katawan bago ibinahagi sa kanyang apo ang mapanuklaw niyang tingin.

"Nililigawan ka ba nitong apo ko? o kayo na? kasi terno ang suot ninyo, ganito ba ang tinatawag nilang couple shirt?" Nanliit ako sa sinabi ng kanyang Lola.

Oo, aware akong ganito ang maaaring sasabihin ng nakakita sa amin. Terno nga kami ni Yohan at hindi ko gusto iyon, bukod sa may boyfriend ako ayoko ring bigyan ng kung anong kahulugan ang nangyayari ngayon.

"La! aalis na po kami, ihahatid ko pa po si Azalea sakanila" Pagalit na saway ni Yohan sa konklusyon ng kanyang Lola.

Hindi ko bibigyan ng pagkakataong mag-isip ng iba ang kanyang Lola tungkol sa pangyayari ngayon, hindi ko hahayaan na sa muli naming pagkikita ay iisipin niyang may namamagitan sa amin ng apo niya. Ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa aming tatlo, alam ko kung bakit ganito makitungo ang kanyang lola. Ramdam ko na ang dahilan at iyon ay gusto ako ni Yohan, gusto niya ako at hindi ko iyon gusto. Hanggat maaga pa gusto ko nang putulin ang kung anumang namumuo.

"Hindi po ako nililigawan ni Yohan, La. May boyfriend po ako, si Leonardo Desporte po. Pasensya na po't maraming salamat sa mainit na pagtanggap ninyo" Hindi ko alam kung bakit tila nagulat ang Lola ni Yohan sa sinabi ko pero hindi niya rin hinayaang magtagal ang kanyang gulat na ekspresyon.

Nilisan namin ang restaurant ng kanyang Lola't nagsimula nang maglakad sa parehong simentong tinahak kanina. Tanggap ko kung bakit walang imik si Yohan ngayon, hindi ko rin siya masisisi pero kung susubukan niyang magsalita at nang mapag-usapan namin ay hindi ko siya pipigilan. Siguro heto na ang tamang pagkakataong malinawan kami sa nangyari noon, siguro sa pagkakataong ito dapat na naming sirain ang pader na nagsisilbing pagitan namin.

"Isang taong mahigit nang pagsisihan ko ang nagawang kasalanan, hindi ko sinasadya ngunit nakapagbitaw ako ng masasakit na salita" Hindi pa kami nakakalayo sa pinanggalingan namin nang magsalita si Yohan.

Alam ko na kaagad kung ano ang tinutukoy niya, nagpatuloy lang ako sa paglalakad at gayon din siya. Malayo ng ilang dipa ang pagitan namin sa paglalakad, animo'y hindi magkakilala't nakapagsabay lang sa paglalakad.

Gusto kong sabihin magpatuloy siya pero walang lumalabas sa bibig ko, tanging pakikinig ang kayang kong gawin sa oras na ito.

"I admired a girl named Azalea, simula pa noong grade 9. Her simplicity, her genuine smile, her sweet voice, her personality, her soul.." Gulat ako sa sinabi niya, kamuntikan na kong mapahinto sa sinabi ni Yohan.

Hindi ko alam na may humahanga sa dating ako, given the fact na sobra akong tanga't hindi presentable tingnan.

"Ang labis kong paghanga sakanya'y hindi ko nagampanan nang mabuti, gusto kong manatili lang siya sa kung ano siya.. Iyong simpleng siya" Nakalabas na kami ng eskinitang pinasukan.

Mas mabuhay ang plaza kapag lumalalim na ang gabi, ngayong alas otso y media na't mas maraming tao akong nakikita. Mga pa-ilaw at ningning sa paligid mas nadedepina sa oras na ito.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon