Mahihinang boses ang narinig ko nang nagkamalay ako.
Sh*t!
Napabangon ako ng wala sa oras nang maalala ang nangyari! Nasira ko ba? O the show must go on ang peg?
"Okay ka lang?" Sinulyapan ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Nag-alalang mga mata ang tumitig saakin. It was Anya's eyes.
"Sorry 'di ko nagawa. Medyo sumama pakiramdam ko. Sorry Anya" Malungkot kong sabi.
Humugot siya ng hininga at umupo sa kamang hinihigaan ko.
"Okay lang. Mas mahalaga pa rin iyong lagay mo, sorry kung napressure ka dahil saakin" Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil-pisil.
Natahimik kami. Nagpapakiramdaman hanggang sa siya na ang bumasag sa katahimikan ng buong silid.
"Buti nasalo ka ni kambal, kung hindi baka nabagok na ulo mo. Baka makalimutan mo pati ako" Nakanguso niyang sabi.
Makalimutan ko na ang lahat huwag lang ang mga taong nagpapahalaga saakin.
Salamat Leo at iniligtas mo na naman ako, ilang pangyayari pa ba sa buhay ko ang kayang mong iligtas? Grabe ah! Nagkakautang na loob ako ng wala sa oras!
"Iwan mo na lang ako, Kailangan ka ng team" Hindi sa ayaw ko siyang makasama. Kailangan siya don.
Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko.
Hindi na bumalik si Anya kahit na anong pilit ko, sinamahan niya ako sa klinik. Inaaya ko siyang umuwi dahil okay naman na ako atsaka isasara na ang klinik.
Pumayag lamang si Anya sa kanina ko pang gusto nang dumating si Leo, tulad ng lagi kong napapansin sakanya ay okay naman siya. Walang bakas ng anong nangyari. Nakikisabay lang sa agos ng buhay.
Maingay parin ang gymnasium. Siguro hindi pa natatapos ang contest. Inaamin kong medyo na dismaya ako, kung sana hindi ko nalang ginala ang malikot kong mga mata edi sana walang ibang nangyari kundi ang magaganda. Edi sana napanood ko pa ang sumunod na performer. Kung bakit ba kasi naapektuhan parin ako!
It will take time to heal a scar. Maybe, oras lang ang kailangan ko para makalimutan ang lahat. Baka isang araw magugulat nalang ako na wala akong nararamdaman kundi kasiyahan.
Ang tanong, kailan ang oras na 'yon?
Normal na araw ito para sa normal na mag-aaral. Maagang- maaga pa at nagkaklase na ang una naming guro. Lumilipad ang isipan ko sa maraming bagay. Mukhang kailangan ko ata ng bakasyon, na naman?
"Magbibigay ako ng take home group activity. Ipasa sa takdang araw, oras at panahon. Huwag niyo ako bigyan ng maraming dahilan dahil mahaba-haba ang bakasyon" Teacher Nora said.
Kinalabit ako ni Anya na nasa tabi kong upuan, sinenyasan niya ako na mas lumapit pa sakanya.
"Punta tayong white beach? Huwag mong sabihing may gagawin ka!" Sa mahinang boses na sabi niya.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...