KABANATA 18

203 12 6
                                    

Sinamahan ako ni Anya at Andrei patungong gym. Wala pa rin si Leo. Alas kuwarto y media na, tantsa ko malaman ng matapos ang practice nila. Rinig na namin ang tugtog na nanggaling sa gym, nasa pangalawang kanta na sila. Malapit ng matapos ang pang hapon na ensayo.

Si Andrei ang nagbukas ng gate, tahimik naman kami ni Anya na sumunod sa lalaki. Dumiretso kami sa bleachers, hihintayin naming matapos ang practice bago lapitan ang kakambal ni Andrei. Hindi ako makapaniwala na may kambal din siya tulad ni Anya.

Ang kambal yaong ni Andrei ay pinagseselosan ni Anya sa nagdaang araw, iniyakan niya pa ang nangyari. Siguro iniisip niya higit pa sa kaibigan ang dalawa, iba kasi ang interaksyon ng dalawa. Kung hindi mo sila kilala mapagkamalan mong sila. Ganoon siguro itong si Andrei bilang kapatid, maalaga, maingat. Ramdam ko na kaya niyang protektahan ang kapatid o kahit sino mang malapit sakanya.

Napansin na kami ng mga kabatch, kahit mga guro'y napapatingin sa amin. Umiiwas na lamang kapag naabutan silang nakatingin saamin, lalo na sa akin. Siguro bilang respeto sa nararamdaman ng kanilang estudyante. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang tsimisan ng iilan tungkol sa nangyari, hindi ko sila masisisi. Sino ba namang matatahimik kung inistorbo lang naman ang practice nila at talagang may aberyang naganap dito. Nasaksihan iyon ng halos lahat ng mag-aaral na kabatch.

Naabutan ko ang paninitig ng presidente ng aming klase. Nang nakabawi siya'y inirapan ako. Hindi na siya nag-abala pang lingunin muli ako nang tinahak niya na ang daan palabas ng gym. Nilapitan na rin namin ang kakambal ni Andrei. Tulad nga ng sinabi ko, si Andrei ay may magaan na pagkatao samantalang itong babae'y mabibigat, malalim at misteryoso. Hindi tipikal na makikita sa isang babae.

Nginitian ako ni Akira, ang mga mata niya'y naghahanap ng impormasyon. Gusto niyang magtanong pero nagpipigil siya. Kalauna'y kinamusta niya kami, lalong-lalo na ako.

"Sasabay ka ba sa pag-uwi, An?" Tanong ni Akira.

Abala ako sa paghahanap ng cellphone ko. Nang nakita iyon ay agad ko nang tsinek ang mga mensahe. May natanggap pa akong text galing kay Mama. Ang iilan ay kay Leo at Anya.

Anya:
Please.. Na saan ka, hindi ko mapigilan si Leo.

Isa lamang iyon sa limang mensahe na nanggaling kay Anya. Iyon ang kakaiba, dahil ang apat ay magkapareho lang. Iisa lang ang mensahe. Binasa ko naman ngayon ang kay Leo. Bandang alas tres ang kanyang text.

Leo:
Kung kailangan mo ng umiwi, huwag mo na akong hintayin. Huwag kang mag-alala. Okay na ako, okay na ako.

Nireplayan ko siya. Gustuhin ko mang hintayin at sumabay sa kanya hindi yata tama para sa araw na ito. Kailangan ko na ring umuwi, ang balita'y masyadong mabigat sa akin.

Me:
Sorry hindi na kita mahintay pa, nagtext si Mama. Kailangan ko ng umuwi.

Nang matagumpay kong maisent ang mensahe ay binasa ko naman anh text na galing kay Mama.

Mama:
Anak, ano itong binalita ng eskwelahan mo?

Huminga ako ng malalim at nagtipa ng reply kay Mama.

Me:
Pauwi na po ako, Mama. Ikukuwento ko po sa inyo ang nangyari.

Nakatanggap ako ng reply galing kay Leo. Dalawang minuto rin ang lumipas. Sabay na kaming tatlo sa paglabas, Si Anya, ako at si Akira. Si Andrei ay nagpaiwan, sasabay sa pag-uwi kay Leo.

Leo:
Text me when you're home. Mag-ingat ka, sorry hindi kita maihatid ngayon.

Tumango ako sa kawalan. Mamaya ko na siya replayan. Pagkalabas namin ng gate hindi na sumabay sa amin si Akira. Angpakakaalm ko ay nasa iisang subdivision lang kami pero hindi siya pupunta sa direksyong pupuntahan namin. Napagtanto kong may sundo siya nang may itim na kotse ang pumarada, hindi kalayuan sa amin. Tinted ang sasakyan kaya hindi namin alam kung sino.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon