KABANATA 8

319 18 52
                                    

Ang SEE YOU AROUND ni Andrei ay talagang literal. Nakita namin siya sa hallway pagkalabas namin ng classroom. Nakangisi pa ang mokong at dahil kasama ko si Anya nagsimula na silang magbangayang dalawa.

Nakasunod ang dalawa habang nag-aaway, nakakainis lang dahil ang babaw nilang dalawa. Tungkol lang naman sa relax ang pinag-aawayan.

Ang sumunod kong nakita ay si Leo. Nakadirekta ang kanyang mga mata saakin. Iniwas ko ang tingin ko sakanya at kinunot ang noo.

Hindi kita papansinin! Mokong ka!

Nagkunwari ako na hindi ko siya nakita, na wala akong nakitang tigre! Nilagpasan ko siya habang diretso ang tingin sa kawalan. Narinig ko pang suminghap siya sa aking pag-iwas.

"Hindi parin kayo bati? Ano nga ulit pinag-awayan niyo?" Tanong ni Anya na ngayon ay nasa tabi ko na.

Inirapan ko ang kaibigan ko dahil sa tanong niyang iyon. Lumingon ako para tingnan kung sumabay ba saamin si Andrei.

Para akong napaso at agad binalik ang tingin sa harap! Paano ba naman! Ang mapanuring mga mata ni Leo ay nakapako parin saakin. Shit! Para akong nalantang gulay sa nakita. Hindi ko na alam kung maayos ba ang lakad ko, kung wala bang dumi ang likod ko. Kung maayos ba ako tingnan habang naglalakad!

Oh my gosh! Bakit ako ganito? Why? Bakit conscious ako sa paglalakad ko ngayong araw?

Talak nang talak si Anya habang ako iniisip parin kung ano na ang ginagawa ng dalawa sa likod namin. Kung nandiyan pa ba sila o kanina pa umalis.

Napukaw ni Anya ang isipan ko nang magsalita siya at talagang hinuli ang paningin ko. Isinuri ko ang buong paligid. Nasa canteen kami.

"Kanina pa kita kinakausap, nakikinig kaba? Halata namang hindi. Teka nga, okay ka lang ba? Tara sa hospital" Walang prenong Anya ang nagsalita.

"Ang OA mo, may iniisip lang ako. Hospital agad?" Sabi ko at luminga-linga upang humanap ng mauupuan.

Napadako pa ang mata ko sa grupo nila Yohan. Hindi tulad ng dati na kada makita ko siya may kung ano akong nararamdaman. Ngayon, wala.

Tinaasan ko ng kilay ang nakatingin ding si Elle. Edi kayo na ang magkasama! May kasama naman ako ah!

"Sa mental hospital kita dadalhin, pabago-bago na ang emosyon mo ngayon. Kanina habang kinakausap ka para kang baliw salita nang salita at ang malala hindi ko maintindihan kung saan mo hinugot ang lahat" Aniya.

Tinakpan ko agad ang bibig niya.

"Ano bang narinig mo?" Mahina kong tanong sa kaibigan.

Lumingon ako sa likod at nagpapasalamat na walang Andrei at Leo na nakasunod. Inalis ni Anya ang aking kamay sakanyang labi at umupo sa bakanteng upuan. Ganon din ang ginawa ko, umupo ako sa harap niya.

"Ayun na nga friend! Wala akong maintindihan sa sinabi mo kaya balak kong ipasok ka sa mental hospital! Nakakaistress ka bukod kay Andrei!" Aniya. Umakto pa siya na sasabunutan niya ang kanyang sarili sa gigil.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon