KABANATA 13

225 13 28
                                    

Sabay na kaming tatlo bumalik sa gymnasium. Hindi namin makita si Anya sa kumpulan ng mga estudyante. Hindi na ako kumibo, ang dalawa'y patuloy sa kanilang pinag-uusapan.

Umupo ako sa upuang nakahanda para saamin. Hindi ko na alam kung anong ginawa ko, kung anong nagawa ko at naging ganito kami. Kung tama pa bang lapitan sila.

Tingin ko napakasama kong kaibigan, tingin ko ginagamit ko lang si Leo. Naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako kasi hindi ko kayang aminin sakanya ang totoo. Natatakot akong masaktan siya, wala siyang ibang ginawa kundi pasayahin at iparamdam sa akin kung gaano siya kapursigido.

Nagsimula na ang practice. Ang bawat presidente ng seksyon ay nagcheck sa attendance ng dumalong estudyante para sa practice. Limang estudyante sa aming sekyon ang hindi pa bumabalik. Isa na roon si Anya, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil pati pagkakaibigan namin ni Anya ay naapektuhan.

"Mr. Desporte, wala yata ang kapatid mo rito" nagsalita si teacher Roger sa mikropono kaya rinig na rinig namin ang pinag-uusapan.

Napansin ko ring wala si Yohan. Napatingin sa gawi ko si Leo at Andrei, naghahanap ng sagot. Nagkibit balikat ako, hindi ko talaga alam kung na saan siya ngayon.

"Hahanapin ko lang po sir!" Sabi ni Andrei at hindi na naghintay pa ng sagot.

Hindi nakabawi si teacher Roger sa sinabi ni Andrei, nang natauhan siya'y nakalabas na ng gymnasium ang lalaki.

"Nakatakas na naman si Mr. Herrington" Sabi ni teacher Roger.

Nabalot ng tawanan ang buong paligid dahil sa sinabi ni Sir. Talagang maloko itong si Andrei na kahit ang mga guro'y nakakapagsabi ng ganoon. Nakailang ulit naming kinanta ang team song, buong kanta.

Bumalik si Andrei nang natapos na namin ang unang kanta, bale may tatlong kanta para sa aming graduation. Hindi niya kasama si Anya. Nagpaalam ako sa aming presidente upang makalapit sa gawi nila Leo. Nang nakalapit ako ay narinig ko ang kanilang usapan.

"Nahanap mo ba, pre?" tanong ni Leo.

Huminga ng malalim si Andrei, ibang-iba sa Andrei na aming nakilala. May nakikita akong bagong emosyon ngayon.

"Nakita ko siya, Pare" Sagot ni Andrei.

Mas lalo akong lumapit sakanila. Napansin nila ang presensya ko. Agad ng ngumiti si Leo sa akin at humawak sa siko ko. Hinarap ko si Andrei upang paliguan ng mga katanungan.

"Anong sinabi niya sayo?" tanong ko.

Natigilan ng ilang sandali si Andrei. Nakabuka na ang kanyang bibig, handa ng magsalita nang....

"Mr. Herrington, Mr. Desporte and Ms. Medina, anong pinag-uusapan ninyo? baka gusto niyong ibahagi sa lahat?" nagsalita ang isa sa aming guro.

Rinig iyon ng lahat dahil nakamikropono siya nang magsalita ito, tsk. Bigla namang may humalakhak.

"Ma'am, nakakairita si Ms. Medina. Masyadong maingay, hindi kami makapag-concentrate sa ginagawa namin" Si Elle ang nagsalita.

Hindi ko matanggap ang kanyang sinabi. Alam ko sa sarili ko na hindi kami gumawa ng kahit ano mang ingay na gagambala sa lahat. Kami lang ang nakakarinig sa usapan. Lumapit na si Ma'am Jane nang sabihin iyon ni Elle. Pinagtitinginan na kami ng lahat.

"An.. pwede bang magbehave ka naman, kanina ka pang umaga ah" suway ng babaeng kamukha ni Andrei.

Hindi sumagot si Andrei, si Leo naman ay tahimik. Mukhang nagmamasid sa nangyayari sa paligid. Tuluyan na ngang nakalapit si Ma'am Jane.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon