AZALEA ROSE'S POV
Binilisan ko ang paglalakad ko dahil sa mainit na sinag ng araw samantalang itong katabi ko mukhang balak pang magtagal sa soccer field. Mas nauna ako sakanya nang sa tingin ko ay mga limang hakbang, humugot ako ng malalim na hininga bago ko siya nilingon.
Akala ko limang hakbang lamang ang layo niya sa akin pero nagkamali ako, sobrang layo niya. Hindi siya umalis sa kinauupuan naming bench kanina habang pinapanood ang naglalaro ng soccer.
Kumunot ang noo nang makita kong may hawak siyang mikropono, may malaking speaker na nakatayo sa tabi niya bukod sa mga iyon, nakikita ko rin ang mahigit sampung lalaki't babae na nakahanay sa gilid niya. Dahil sa senaryo ng kaibigan kong iyon marami ng mga estudyante ang napapatigil sa paglalakad at kahit mainit ang sinag ng araw ay wala silang pakialam, ang importante ay matuklasan nila ang nangyayari.
Ilan pang segundong pagmamasid sa palagid ang ginawa ko nang umalingawngaw sa buong soccer field ang malamig na tinig ng natatanging lalaki na nagpapatibok ng puso ko sa kakaibang paraan, muli ko na namang naramdaman ang pamilyar na tibok ng puso ko, ang paraan ng pagtibok nito na animo'y nasasaktan ako sa nangyari. Parang piniga ang puso ko sa naririnig ko ngayon.
Hindi ko na mabilang kung ilang buwan na akong nangungulila sakanya, hindi talaga sapat ang komunikasyon na namamagitan sa amin, sa screen lamang ng laptop at cellphone ko siya nakikita, sa pagitan ng mga elektronikong kagamitan ko lamang siyang nakikita at naririnig. Nakakamiss ang mga buwan na pinagsaluhan namin, mga buwan na kasama ko siya, mga buwan na aktuwal ko siyang nakikita at naririnig.
Sa gitna ng kantang hinandog sa akin ni Leonardo siya namang pagbuklat ng mga letra, mensahe para sa akin. Hindi ko man lang napansin na may dala ang mga kasabwat ni Anya.
Happy 2nd Anniversary Baby ko ❤
Mahal na mahal na mahal na mahal kita.Ang sarap mabasa ng mga salitang iyon pero wala ng mas sasarap pa nang marinig ko sa speaker ang boses niya, siya mismo ang bumigkas ng mga iyon.
"Anya, bakit hindi nagsasalita si Rose? okay lang ba siya? Hey???." Umalingawngaw ang boses niyang iyon, bakas ang pag-alala.
Bakas ang pangamba sa boses niya, mababakas sa boses niya ang takot pero para saan? natatakot pa rin ba siya na baka hindi ko siya magustuhan, na baka ipagpapalit ko siya sa iba. Kilala ko siya, ramdam ko sa puso ko na iyon ang nararamdaman niya ngayon.
Hindi ko na ininda ang layo ng pagitan namin ni Anya, tinakbo ko distansya namin para mas madaling makaabot at makausap si Leo. Nakakatawa dahil nakakonek pa rin sa speaker ang cellphone ni Anya kaya kahit hinaan niya man ang pagsasalita rinig na rinig pa rin ng lahat.
"Kumalma ka nga, ayan na baby mo oh." Rinig kong sabi ni Anya. Sinundan ng mata ko ang pagtanggal niya ng wire na nakakonek sa cellphone niya.
Pinasalamatan ko siya sa ginawa niya bago ko itinuon ang buong atensyon ko kay Leo.
"Nagustuhan mo ba, Baby?." Malambing niyang tanong. Napakagat ako sa labi ko nang marinig ko muli ang malambing niyang tinig, sa loob loob ko gustong-gusto ko na siyang yakapin pero alam ko namang hindi pwede. Taon pa ang hihintayin ko para makasama siya muli.
Nagsalita na ako nang bumuntong hininga siya. Natatakot akong makaramdam siya ng pangamba, kasi alam ko na kapag maramdaman niya iyon may pagkakataong makahanap siya ng iba, magsisimula sa duda, pangamba at takot. Ang resulta ng mga iyon ay ang paghihiganti, maghahanap siya ng iba kasi akala niya hindi ko siya mahal.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...