KABANATA 7

372 21 46
                                    

AZALEA'S POV

Nagmamadali ako sa pagbaba nang mabasa ko ang text galing kay Anya! Nasa labas sila, hinihintay ako.

"Bakit niyo pa ako hinintay? Malelate kayo niyan dahil saakin" Suway ko sa dalawa kong kaibigan.

Busangot ang mukha ni Anya pero napalitan din ng ngisi. Kinabit niya agad ang braso niya saakin at hinila na ako para makaalis na.

Hindi man lang hinila ang kapatid.

Ang resulta ng paghihintay nila ay napabilang sa mga late.

"Ngayon nalang ulit kita nakita Ms. flower, at kayong dalawa? First time niyong maleta" ani Sir Roger

Dami pang tanong. Hindi nalang magbigay ng parusa para matapos na kami at makapasok na sa klase.

"Desporte twins pwede na kayong umalis" Nagulat ako sa sinabi ni Sir. Bakit Desporte lang? How about me? How about us?

"Ay Sir, pack one pack all po" Si Anya.

Napakamot ng ulo si Sir at inutusan kaming pulutin lahat ng makikita na basura.

Dadamputin ko na sana ang nakitang basura nang biglang dinampot ni Leo. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Basura ko kukunin mo, daya mo ah" Nakanguso kong sabi sa kaharap.

Nagkibit balikat siya at ngumisi.

"Aza, sabi ni Sir Roger ang walang basura ay maiiwan at maglilinis ng CR" Ani Leo at umalis.

Nagulantang ako. Ayokong maiwan, hindi dahil sa banyo kundi dahil sa klase. Ayokong lumiban ng dahil lang sa pagkalate.

Nataranta ako sa paghanap ng basura, ang kaninang basura na napulot ko ay diniretso ko na sa trash can hindi ko naman aakalaing kaylangan makita ni Sir Roger ang basura bago niya kami pahintulutang pumasok sa klase.

Bigo akong makahanap ng basura dahil sa linis ng campus, ang kakarampot na basurang nakita kanina ay inagaw pa saakin ni Leo.

Mas lalo akong napanghinaan ng loob nang tinatawag na kami ni Sir Roger.

"Since mababait naman kayong estudyante ay pinahihintulutan ko kayong pumasok sa inyong mga klase, sana ito na ang huling araw na makita ko kayo sa pilahan ng mga nahuhuli sa pagpasok." Kumunot ang noo ko. Hindi dahil sa sinabi niya kundi sa pangyayari na tila'y nakalimutan niya.

Nag-taas ako ng kanang kamay upang magtanong patungkol sa gumugulo sa isipan ko.

" Ah, Sir ang mga basura po namin?" Tanong ko sa nakadirektang mga mata ng guro.

Hindi ko malaman kung anong klaseng pagmumukha ang pinapakita ni Sir.

Don't tell me mali ako? Huwag mong sabihin na masasabihan na naman ako ng tanga dahil sa katanungan ko na halata naman ang sagot.

my gosh! Leo! Leon!

"Ah Sir Roger pwede na po ba kaming umalis?" Boses ng Leon ang lumitaw.

Binalingan ko siya ng tingin at binigyan nang nakakamatay na tingin. Patay ka saakin.

"Hehe, sorry. Bati tayo" Anito at kumaripas nang takbo.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon