KABANATA 12

261 17 24
                                    


Nagulat ako sa natanggap na mensahe galing sa facebook user na si ARMS. Wala akong clue kung sino siya samantalang parang kilalang-kilala niya ako.

Pinagpag ko ang jogging pants na suot. Miyerkules na, balik eskwelahan na naman. Dinaanan ako ni Anya at sabay kaming pumasok. Hindi namin kasama ni Leo, ang sabi ni Anya maagang umalis ng bahay nila.

Nakakabit sa braso ko si Anya habang nagkukuwento kung paano siya asarin ni Andrei. Si Andrei Herrington na pilyong kaklase ni Leo. Ang alam ko'y nasa iisang subdivision lang kami.

"Bigla na lang ako sinabihan ng panget, tsk. Sabihin mo nga Azalea, panget ba ako?" Kung kanina'y naiinis siya habang nagsasalita ngayon naman ay nakanguso siya.

"Huwag ka ngang maniwala sa sinasabi niya, Maganda ka. Mas maganda ka sa akin" Walang halong biro.

Si Anya na may mahaba at kulot na buhok. Si Anya na nasa taas na 5'3. Si Anya na may magandang kutis, mas matingkad ang kutis niya kaysa sa akin. Maganda at bagay sa kanya ang kutis niya. Mahaba ang kanyang pilik mata, ang kilay niya'y nakakurba at si Anya na may magandang katawan.

Nasa tapat na kami ng ekwelahan, ilang lakad na lang makakapasok na kami nang bigla akong napatigil. Sa kaliwang banda ng kalsada'y naroon si Yohan at si Elle naman na nasa kanang bahagi. Inirapan ako ni Elle nang napatingin ako sa gawi niya, inaamin kong medyo nagtagal ang tingin ko sakanya.

Hinila na ako ni Anya. Hindi ko na rin pinasadanan ng tingin si Yohan. Naalala ko ang nangyari sa pinuntahan namin nila Mama. Ang pagkanta niya, ang pagharana niya sa bagong kasal.

Hindi kami dumiretso sa klase dahil magsisimula na ang practise para sa graduation ng mga Senior high kung saan kabilang kami.

"Bili muna tayo ng inumin bago pumunta sa gym" Sabi ni Anya.

Ngumiti ako sa kaibigan. Pumasok kami sa cafeteria ng eskwelahan. Ngumuso ako nang pagpasok ko'y natanaw ko ang ayos ko sa salamin ng cafeteria. Inayos ko ang medyo buhaghag kong buhok.

Bumili si Anya ng inumin namin. Naiwan ako dahil sa pag-ayos ng buhok. Hinanap ng mata ko si Anya nang matapos ako sa pag-aayos, nakita ko siyang nakikipagbangayan kay Andrei.

Nilapitan ko sila, nginitian ako ni Andrei.

"Hi, beautiful" Nakangiting bati ni Andrei sa akin. Nakuha niya pang asarin si Anya.

Pinagmasdan ko ang nakakunot noong si Anya at nanggigil na pinaghahampas ng binili niyang drinks si Andrei. Sinalo ni Andrei ang mga hampas ni Anya kahit na nakaekis ang kanyang braso'y tinatanggap niya pa rin ang sakit. Kasabay ng halakhak niyang mas lalong nagpapainit kay Anya.

Pinagtitinginan na kami, umiiling ang nakakakita at ilang sandali pa bago tumigil ang dalawa mayroon ng lumapit sa amin.

Isang magandang babae na sa tingin ko'y kaedad rin namin. Kung si Andrei may magaan na awra itong babaeng lumapit sa amin ay mukhang may mabigat na awrang dinadala. Maririin ang kanyang mga matang nakatingin kay Anya at kay Andrei. Ang kanyang labi'y mas manipis kaysa sa labi ni Andrei. Hanggang balikat lang siya ni Andrei, pareho sila ng tangkad ni Anya.

"An... ang aga pa bakit ka nakikipag-away?" Kung may mabigat man siyang awra kasalungat iyon ng kanyang pananalita. Sobrang mahina, malambot at masarap pakinggan ang kanyang boses.

Ngumingising bumaling si Andrei sa babaeng lumapit.

"A.. inaaway ako ni Anya" Sumbong niya sa babae.

Nilingon ko ang aking kaibigan, handa na siyang sapakin si Andrei. Nakataas na ang kanyang palad ngunit agad ding ibinaba. Siguro'y may napagtanto siya.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon