KABANATA 3

590 38 141
                                    

Simula kahapon ay lagi nang pumaparito saamin si Leo, minsan kasama mga kateam niya pero madalas mag-isa. Tulad ng lagi niyang ginagawa, tititig saakin tapos kukulitin ang kanyang kakambal. Hindi narin nasundan ang pagkanta ko sa hapong iyon, ani nila ay irereserba nila ang lakas ko sa final day.

Sumang-ayon na lang ako dahil makakabuti iyon, may nag-alok narin saaking sumali sakanilang club. Shempre pag-iisipan ko pa, baka next school year na lang. Masyado pang mabilis ang lahat. Kakabalik ko lang, kakadesisyon ko lang kaya mas mabuting pag-isipan muna bago gawin.

Normal na araw sa lahat ng estudyante, kanya-kanyang gawain upang maenganyong bumili ang dumaraan. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at binalingan si Anya.

"Anya, naibigay mo na?" Tanong ko.

Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy sa pagbalot ng binibenta naming souvenirs.

"Ang alin?" Tanong niya pabalik bago tinigil ang ginagawa.

"Ahh, Oo. Tinanong ko nga kung anong laman, hindi man lang ako kinibo. Nagdududa na ako sa kakambal kong iyon. May alam ka?" Tanong niya ulit saakin.

"Sus. Ikaw nga hinddi mo alam, ako pa kaya? Hello hindi ko kilala 'yang kakambal mo ah" Totoo naman. Siya itong kakambal wala rin siyang alam, ako pa kaya?

Nagkibit balikat siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Inayos ko naman ang mga kalat bago nagpaalam para gumamit ng comfort room. Gusto niya pa akong samahan.

"Ano ba, hindi naman ako lumpo. Kaya ko Anya" Singhal ko sakanya at umalis na.

Malayo-layong lakarin ang pasilyong iyon, mabuti na lamang ay 'di mainit ang panahon, tahimik ang mga estudyante. Tanging ang background music lamang ang nagpapaingay sa buong campus.

Agad na akong pumasok sa CR. Gumamit ng isang cubicle, pagkatapos ay nanatili muna sa loob, naghugas ng kamay at pinagmasdan ang sarili sa salamin.

Ibang Azalea ang nakikita ko. Azaleayang nanggaling sa sakit at pagkamuhi. Azaleyang kagagawan ng mga taong inaayawan. Bumagsak ang balikat ko nang makita ang sarili sa salamin, ayoko ng ganito. Ayokong nalalayo ako sa dating ako, pero tila kay hirap ibalik ang pagkataong iyon, mahirap.

"Ha? Just wait there. Huwag mo na akong puntahan." Luminga ako, nang makita'y may tao ang isang cubicle ay binalik ko ulit ang mga mata sa salamin.

"Yes Yohan.. Lalabas din ako, just wait okay?" Nanigas ako. Literal na nanigas.

Saka ko lang naalala ang boses na iyon, narinig ko na ang boses niya, boses na dumurog sa pagkatao ko. I hear that voice months ago and now. I hear it again. It's like a thunder to me, a dark and heavy thunder.

Dali-dali akong lumabas at kumaripas ng takbo, ayokong makita siya, sila. Hindi ko pa kaya.

Diretso ang takbo, nakatingin sa likod. Walang pakialam sa makabangga nang makaramdam ako ng matigas na bagay. Bumagsak ako sa bagay na iyon. Mariin ang pagkapikit ko, nagdadasal na sana ay okay lang ang lahat, na sana ay hindi nasaktan ang sumagip saakin.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon