KABANATA 32

223 10 0
                                    

Sinundan ako ni Anya at sinamahan ako hanggang sa kumalma ang sistema ko. Ilang beses na ba ako nagka-ganito at lagi siyang nasa tabi ko, kahit noong high school pa lamang kami at ngayong nasa college na't labis ang sakit nadarama naririto pa rin ang kaibigan ko. Handa akong habulin, handa akong sundan huwag lamang ako mapahamak

"Azalea palamig muna tayo sa Herrington Cafe.." Sabi ni Anya.

Nasa labas kami ng campus, malakad naman ang cafe nila Andrei dahil hindi naman ito kalayuan sa aming paaralan. Sumang-ayon ako sa plano ni Anya, bukod sa gusto kong magpalamig kailangan ko ring maging maayos. Hindi pwedeng uuwi ako nang ganito, nang hilam na hilam ang mga mata.

Tahimik kaming naglalakad, hindi ko lubos na maisip na ganoon na lang ako pag-agawan ni Leo at Yohan, si Yohan na naghihintay at si Leo namang buong araw kong kasama. Hindi ko naman sinasadyang hindi siya siputin, alam niyang kakanta ako ngayong araw. Alam niyang magiging busy ako bakiy hindi niya naisip na hindi ako dadalo sa napag-usapan namin. Bakit kailangan niyang mamilit?

Anya ordered strawberry shake habang ako naman iyong paborito kong frappe of love na overloaded sa chocolate, she ordered macaroons and cookies too. Umupo kami sa pangdalawan na mesa't upuan. Tahimik kong sinipsip ang inumin, lumilipad pa rin ang isipan ko sa nangyari.

Napaisip ako marahil ang paghahabol ni Leo sa akin at kay Stacey ay iisa, walang pinagkaiba, kung paano niya ako amuhin ganoon din siguro kay Stacey ang pagkaibihan lang namin ay tuluyan niyang iniwan si Leo, tuluyan niyang binitawan. Habang ako, anumang lumabas sa bibig ko kasakungat ng damdamin ko.

Sa larawan ni Azalea at Yohan si Azalea ang naghahabol, ngayong nasa larawan ni Azalea at Leo si Leo naman ang naghahabol.

Mas lalong gumulo ang isipan ko, napapaisip ako ng mga bagay bagay na tungkol sa amin ni Yohan, kung hindi ba ako nagpaganda at nag-ayos noon para magtapat ng nadarama sakanya'y may hantungan kaya ang pagkagusto ko sakanya? kung hindi niya ba ako pinagsabihan ng masasakit na salita patuloy ko pa rin ba siyang gugustuhin?

Kung hindi ba nangyari ang lahat ng ito'y isa pa rin akong panget na tangang estudyante? na walang lakas na loob magpakita ng saloobin, walang lakas na loob ipakita ang talento. Walang lakas na loob ipagsigawan ang sinisigaw ng puso ko.

"Azalea... Hindi ba may sasabihin ako sayo na tungkol kay Yohan" Napatigil ako sa pagsipsip inumin sa biglaang salita ni Anya.

Naalala ko nga iyon pero noong summer pa at hanggang ngayon hindi ko pa nalalaman ang tungkol doon.

"Oo, nawala rin sa isipan ko" sabi ko.

Tumango siya at ilang sandaling napatulala. Sa tingin ko ngayon ko na malalaman ang tungkol kay Yohan na hindi ko alam.

"Naalala mo ba ang araw na september 15?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko, anong kinalimutan ng petsang iyon kay Yohan.

"Noong araw na iyon, hindi ba umalis ka para magCR. Napagkamalan ako ni Yohan na ikaw.. at marami siyang sinabi" Patuloy niya.

September 15 2017 ang araw noong inanunsyo namin ni Leo na nililigawan niya ako, na dating kami. Naalala ko ring nakasalubong namin si Yohan noon at nagwalk-out si Anya nang malamang nagdedate kami ni Leo. Napaayos ako ng upo at buong diwa na nakinig sa maaari kong malaman galing sa kaibigan.

Ikinagulat ko ang sinabi ni Anya, ang paghingi ni Yohan ng patawad sa akin. Ang pagkakamali niya noon.

"Ang sabi niya noon.. Nagsisisi siya at nasabi niya iyon, sorry siya nang sorry Azalea. Hindi ko naman alam kung bakit, hindi niya sinabi noong araw na iyon." Patuloy niya.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon