Nanatili akong nakatayo sa harap ng bahay, sigurado akong magagalit si Mama kapag nakita niyang umiiyak ako sa ilalim ng masungit na panahon.
Uulanan niya ako ng mga tanong. Mas minabuti kong pakalmahin ang sarili habang patuloy ang ulan sa pagpatak.
Dumidilim na rin ang panahon.. Kanina ko pa pinahinga ang payong sa sahig. Hinayaan na mas mabasa ng ulan.
Saksi ang panahong ito sa nararamdaman ko. Sa nararamdaman kong hindi ko maintindihan, na kahit na anong paalala ko sa sarili ko ay wala paring saysay. Hindi parin ako pakikinggan ng sarili ko. Pipiliin niya ang gusto niyang gawin. Nakakatawang isipin na yung mismong sarili mo ang tumatraydor sayo. Ang sarili mo ang naghahanap ng sakit, nagpaparamdam sayo ng sakit.
Nagulat si Mama nang makita akong basang-basa. Nababasa narin ang sahig dahil saakin. Nginitian ko ang gulat kong Ina, ayokong makaramdam siya ng kakaiba. Ayokong pati siya mamoblema dahil saakin.
"Hehe, ngayon nalang po ulit ako nakaligo ng ulan." Agap ko.
Ngumiti si Mama.
"Umakyat kana. Baka magkasakit ka niyan" Utos ni Mama.
Sinunod ko siya. Tahimik akong umakyat upang makaligo nang hindi na magkasakit.
Nakatulog ako pagkatapos kong maligo, giniginaw ako kaya nagpahinga na muna ako. Natauhan lang ang natutulog kong diwa nang may tumapik saakin. Dahan-dahan lamang iyon pero nagising parin ako.
Mabibigat ang mga mata kong hinanap ang nagmamay-ari ng kamay. Malungkot na mata ni Mama ang tumambad saakin. Nakitaan ko rin ng pag-alala ang mga mata ni Mama.
"Anak naman, dapat bumaba ka kanina. Nilalagnat ka tuloy ngayon" Sermon ni Mama sa marahang tinig.
Ngumiwi ako nang maramdaman ang kakaibang pakiramdam. Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang magkalagnat. Nahihirapan ako, nahihirapan ako sa lahat ng bagay. Ultimong pagkain, pag-inom ng gamot, sa paggalaw at lahat lahat ng bagay na may kinalaman saakin.
"Dapat bumaba ka muna bago natulog. Anong nararamdaman mo?" Tanong ni Mama at agad na dumapo ang kamay sa leeg at noo ko.
"Nilalamig po ako, tsaka masakit po ang ulo ko, Ma" Hindi ko alam kung naintindihan ba ako ni Mama. Halos hindi ko mabuo ang mga salita.
Pumikit ako nang umalis si Mama sa kinatayuan niya. Narinig ko rin ang pagbukas at sara ng pinto ng kwarto ko.
Umungol ako dahil sa naramdaman at mahigpit na niyakap ang kumot na nakapatong saakin.
Dumilat muli ako nang nakabalik si Mama, may dala siyang pagkain.
"Kaya mo bang umupo?" Tanong ni Mama at inalalayan ako.
Tumango ako kahit na pakiramdam ko ay mahihilo lang ako. Ininda ko kaagad ang sama ng pakiramdam nang naiupo ako ni Mama. Napapikit ako sa naramdamang hilo at agad nang napahiga.
"Anak, kailangan mong kumain nang makainom kana ng gamot" Sabi ni Mama.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...