KABANATA 10

330 16 48
                                    

Play the youtube video para feel na feel* Naiiyak ako nang mapakinggan ko muli ang kantang ito. Ramdam ko ang sakit.

--------------------------------------------

Dobleng selebrasyon ang mangyayari sa susunod na buwan. March 15 to be exact.
Dinaluhan ko ang magulang kong busy sa paghahanda ng gagawin sa kaarawan at graduation day ko.

"anak, hindi kami pumapayag ng Dad mo na hindi tayo maghahanda sa birthday mo. Tutal graduation day mo na rin 'yun anak. Huwag mo na alalahanin ang gastos, tutulong naman Tita mo" Ngumuso ako.

Wala na akong magagawa kahit naman tumanggi ako ay igigiit pa rin nila ang selebrasyon na mangyayari.

"Huwag kang mag-alala, rito lamang gaganapin ang selebrasyon. Imbitado lahat ng villagers" Lahat? ibig sabihin gagastos ng malaki.

"Bakit hindi ka matawagan ng Tita mo kagabi? Busy ang linya mo?" Tanong ni Mama.

Ghad.

"Kausap ko po si Anya Ma. We're talking about the upcoming activities na gaganapin sa eskwelahan" I lied.

Actually, I was talking with Leo. Mailap si Anya saakin, dalawang linggo na nga. Hindi ko alam kung bakit.

"Oh, ganon ba. Huwag mo na lang hayaang mabusy mamaya, panigurado tatawag ang tita mo" Bilin ni Mama.

Tumango ako at sandaling napabuntong hininga. Nakakatamad ang araw na ito. Saturday at wala kaming pasok sa lunes at martes kaya mahaba-habang weekend to.

Magpapaalam ako kina mama mamaya kung pwede ba akong mamasyal. Nakakalungkot lang na hindi ako masasamahan ni Anya. Matagal-tagal na rin noong huli naming pasyal sa mall.

Hindi bale at pupuntahan ko siya mamaya sakanila. Gusto ko na rin tanungin kung may problema ba kami at bakit dumidistansya siya saakin. Wala akong mahanap na sagot kung bakit.

Wala namang sinasabi saakin si Leo, kahit din daw sakanya. Bihira siyang pansinin ni Anya. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Anya pero nababahala ako. Noong huli naming pag-uusap iyong inanunsyo ni Leo ang panliligaw niya saakin.

Dahil ba doon kaya siya dumidistansya sa amin? Galit ba siya dahil naglihim kami? naglihim ako bilang kaibigan niya?

Napagdesisyunan kong pumunta pagkatapos mananghalian. Nagkulong lamang ako sa kwarto nang sumama ang panahon, mukhang may bagyong na naman.

Hindi natuloy ang lakad ko sa araw na ito, ang simpleng ambon naging bagyo. Kapag minamalas ka nga naman.

Sa lunes na lamang.

Me:
Mamaya ka na tumawag. Baka tatawagan ako ni Tita.

Text ko kay Leo. Alas otso na ng gabi, nakahiga na ako sa kama ko. Bukas may lakad kami nila Mama.

Leo:
Hindi pa rin ako pinapansin ni Anya. Abnormal ang isang ito. Ang sabi ni Andrei galit daw siya sa ating dalawa.

Hindi ko na nareplayan si Leo nang tumawag si Tita. Sinagot ko kaagad. Bumungad si Tita ang at pinsan kong nasa walong taong gulang pa lamang.

" Hello, ate" bati ng pinsan ko sa wikang niponggo.

Kumaway ako sa pinsan ko, ibinigay niya kay Tita ang cellphone.

"Kamusta kana, Rose? Pasensya na kung hindi ako makakapunta sa kaarawan mo" Malungkot na sabi ni Tita.

Ngumuso ako.

"Okay lang po Tita, naiintindihan ko naman po" Sabi ko.

Si Tita ay nakapangasawa ng Japanese citizen. Kaya isa na rin siyang citizen ng Japan. Ang kanyang anak na si Kazuki Yamashi ay nasa walong taong gulang na sakalukuyang nag-aaral sa international school sa Japan. Marunong ito magsalita ng wikang ingles at konti lang ang alam na salita sa wikang Filipino.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon