That night was overwhelming for me, tahimik ang paligid nang matapos ang huling liriko ni Leo. Walang ingay na maririnig bukod sa tunog ng insekto, tuluyan nang nilamon ng katahimikan ang paligid.
I searched for my Mama and Dad's reaction about Leo's image standing infront of me with a bouquet of flowers. Kapareho ng iilan ang kanilang reaksyon.
Andrei Herrington broke the silence.
"Cheers, happy birthday ulit Azalea" Anito sa mataas na tono.
Naging hudyat iyon para lumikha ng ingay ang paligid, nilamon na ng background music ang katahimikan.
"Thank you, Leo. Akala ko hindi kana pupunta" Sabi ko nang natanggap na ang bulaklak. Pinihit niya ako para maharap ang kaibigan, umupo na rin siya sa bakanteng upuan na para talaga sakanya.
Lumunok si Anya bago nagsalita.
"Kaya pala laging wala, may pinaghahandaan." Panunuya ni Anya.
"As far a I remember, nagawa mo na ito dalawang taon na ang lumipas. Tama ba Leo? Kanino nga iyon?" Si Anya ulit.
Ngumi-ngisi siya ngayon. Iniwasan ko ang pagkukunot ng noo, interesado ako sa isiniwalat ni Anya pero hindi ko iyon ipapahalata.
"His supposed to be sweetheart but unfornately iniwan siya, umalis ng hindi nagpapaalam" Si Andrei naman ngayon.
Naghagikhikan ang tatlo, kami lamang nina Akira ang tahimik. Hindi nakuha ang pinag-uusapan ng kasama.
"Ano nga ulit pangalan n'on, Leo? Stacey? Macy? " Tanong ni Anya.
Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong marinig ang sinasabi nila.
"It's Stacey Dela Victoria, Anya. Also known as sweetheart Stacey of Leonardo" Humagalpak ng tawa si Andrei.
I cleared my throat. Hindi yata maganda ang ihip ng hangin, nilalamig ako na parang nag-iinit.
"It was 2 years ago, hindi na iyon importante"Si Leo ang nagsalita sa mababang boses.
Sa dami ng sinabi nila iyan lamang ang naisagot niya. Paano niya nasabi na hindi na ito importante gayong iniwan siya? I want to know. Gusto ko ng sagot sa gumugulo sa isipan ko.
"Naging kayo ba ni Stacey, Leo?" Normal ang tono ng pananalita ko pero natigilan ang kaharap kong si Anya.
Ngumisi siya, hindi ko na napigilan ang pag-irap sakanya. Yes, I did it!
"Yeah.. But she left" Sagot ni Leo.
Tipid kong tinanguan ang kanyang sagot.
"So.. Kayo pa rin ba until now? like, may komunikasyon pa rin ba kayo? any social media account?" Hindi ko na masundan pa ang ilan sa mga katanungan ni Anya. Naiwan ako sa tanong niyang 'Kayo pa rin ba until now'
Hindi na iyon sinagot ni Leo. Kung bakit ay hindi ko alam, inalis ko na lamang sa isipan ang mga gumugulo.
Late akong nagising kinabukasan dahil na rin sa oras ng pagtulog ko, napuyat ako sa kakaisip sa nangyari. I can't believe it, hindi kailanman. Dahil sobrang layo sa iniisip ko. Hindi ko inaasahan ang pagbigay niya ng bulaklak, ang pagkanta niya sa harap ng pamilya ko, sa mga kaibigan ko. Hindi ko iyon inaasahan at higit sa lahat may mga nalaman ako tungkol kay Leo. Tungkol sa nakarelasyon niya. Dalawang taon na ang nakalipas ayon kay Anya. Gusto ko pang magtanong at kung bakit ay hindi ko alam.
Maririin kong tiningnan ang nakabalot na mga regalo, nagpatong-patong na ito sa loob ng kwarto ko. Siguro mamaya ko na ito buksan kapag nagkagana na ako. I feel so lonely today, hindi ko nga maintindihan kung bakit. Bumuntong hininga ako at tiningnan ang telepono, it's 10:14 in the morning. Hinanap ko sa youtube ang kantang hinandog ni Leonardo sa gabing iyon, nahirapan pa ako sa paghanap kasi hindi ko alam ang title, sa tantsa ko dalawa hanggang tatlong beses ko pa lamang iyon narinig.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...