KABANATA 38

284 10 0
                                    

Ang boses yaong ni Dad ang nagpahiwalay sa yakap ko kay Leo. Dumoble ang kaba ko, sa tanang buhay ko hindi ko pa narinig ang ganitong boses ni Dad, sobrang lalim at nagsusumigaw ng awtoridad.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako gayong alam naman nila Dad ang tungkol sa amin ni Leo. Na saksihan pa nga nila ang mga bagay na ginawa ni Leo sa akin.

"Good day po Tito, nandito po ako para samahan si Azalea" bati ni Leo kay Dad.

Kung batiin si Dad parang wala siyang narinig na sigaw ah, hindi man lang nakaramdam ng takot.

"Ganon ba, akala ko kung ano ng nangyayari sa inyo. Pansin kong kanina pang walang imik si Azalea, kung may pinag-awayan man kayo sana pag-usapan ninyo at huwag hayaang lumipas ang oras nang hindi kayo nagkakaintindihan" Seryosong sabi ni Dad.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, hindi ko alam na halata na pala ako, na kapansin-pansin pala ang pag-iimik ko. Na kahit sa maliit na bagay ay napapansin pa rin nila.

"Opo Tito, pasensya na po" sagot naman ni Leo.

"Pag-uunawa ang susi sa pagmamahalan, lagi niyong iintindihin ang isa't isa at shempre kailangan niyo ring tibayan ang tiwalang mayron kayo. Tiwala at pag-unawa mga anak" Sa pagpatuloy ni Dad ay hindi ko na maiwasan ang emosyon ko.

"Dad...." Lumapit ako at yumakap kay Dad.

Nag-uumapaw ang tuwa sa puso ko ngayon, lumapit na rin si Mama at Dahlia sa gawi namin.

"Huwag niyong sisirain ang tiwala na binigay namin sa inyo, bata pa naman kayo. Marami pa kayong kahaharapin na pagsubok sa buhay, magsaya muna kayo habang bata pa kayo" Tumango ako sa sinabi ni Dad at lalong hinigpitan ang yakap sakanya.

Naramdaman ko naman ang maliliit na braso ni Dahlia at ang kay Mama na yumakap sa amin.

"Mahal na mahal ko kayo" sabi ni Dad bago kami pinakawalan.

Kakaiba nga talaga ang Panginoon pagdating sa kaligayahan ng tao, hanggat may buhay may pag-asa. Hanggat may tiwala ka sakanya at may paninindigan sa prinsipyong pinaniniwalaan mo aasahan mo ang matibay na suporta galing sakanya, kahit gaano pa kadilim ang nakaraan mo, kahit anong sakit at karanasan ang pinagdaraanan mo. Isang banggit mo lamang sa pangalan niya libo-libong ligaya ang kapalit, ganoon niya tayo kamahal.

Naputol ang programa pagsapit ng alas onse, naghanda na ang bawat team para sa tanghalian. Hindi kami nakisali ni Leo sa grupo ng pamilyang naghahanda ng pagkain, nasa waiting shed kami na malapit sa covered court kung saan makikita naman dito ang mga tao.

"Sobrang saya ko ngayon Leo.." Sabi ko habang malayo ang tingin.

Naramdaman ko na lamang hinawakan niya ang kamay ko.

"Sobrang saya ko rin para sayo baby" Sumulyap ako sakanya ng may ngiti sa labi.

"Pupunta pa ba tayo sa birthday ni Stephie?" ngumunot ang noo ko.

Oo nga pala, inimbitahan nga pala kami ni Stephie. Muntik ko nang makalimutan.

"Oo naman, pupunta tayo. Nakabili na rin ako ng regalo eh, nakakahiya naman kung hindi ako pupunta eh talagang sinadya niya pa naman akong imbitahan" Sabi ko habang inalala kung paano niya ako inimbitahan.

Humigpit ang hawak ni Leo sa kamay ko, ngumisi siya sa akin at tinulak ang likod ko palapit sakanya. Napapikit ako nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko, hindi niya ginalaw ang labi niya. Pinatong niya lang iyon sa akin, tikom na tikom habang ako ay hindi na maintindihan ang sarili, nag-iinit ang pisngi ko sa ginawa ni Leo.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon