KABANATA 2

721 46 172
                                    


Nagsimula na ang araw ng org's fair. May kanya-kanyang booth ang bawat Team. Maraming tao, maingay na paligid kaya heto ako sa lugar kung saan ako nababagay.

Nakasanayan ko ng pumunta rito, mas maganda silang kausap kaysa sa totoong nilalang. Kinakabahan ako sa huling araw ng event na ito, isasalang na kasi ang representative ng bawat team at sa imaheng entablado ay bumabaliktad ang sikmura ko. Iniisip ko pa lang ay nawawalan na ako ng lakas.

Sa totoo lang gusto kong makilala ang boses na iyon. Gusto kong makilala kung kanino galing, kung sino ang nagmamay-ari sa boses na tumulong saakin. Tumulong pagaanin ang loob ko, palakasin pa lalo ang loob ko.

Nakapikit ako habang inaalala lahat ng salitang binigkas niya, doon ako humuhugot ng lakas ng loob. Sa mga salitang nagpapalakas sa akin. Nagpapasalamat ako dahil kahit gaano na ako kahiya-hiyang tao'y may nagmamalasakit parin, ayun lang kung totoong tao ba siya o isang damo rin.

Minsan pinapaniwala ko na lang ang sarili ko na talagang damo iyong kumausap saakin, na walang ibang tao kundi ako at ang tanging kasama ay mga puno at damo.

Sana pala humanap nalang ako ng ibang eskwelahan, sana hindi ko na binalak pang bumalik. Sana sa Japan ko nalang pinagpatuloy, kahit mahirap.

Alam kaya nila ang nangyari sa akin bago ako nawala? Alam kaya nila na tila isa akong bayarang babae sa araw na iyon? Alam kaya nila kung paano ako nilait ng mga nandoon? Hindi ko alam at sana hindi na muli maungkat ang tungkol doon. Nanahimik na ako at nangangakong hinding-hindi na magiging tanga dahil sa lalaki.

Umalis ako upang mananghalian, pagkalabas ko pa lamang sa lugar na iyon ay ang ingay na ng buong campus ang bumungad. Nakakahanga ang lugar na iyon dahil tahimik at nakaka-relax.

"Saan kana naman ba galing? Kailangan ka sa booth, kailangan mong kumanta para maenganyo silang bumili ng produkto natin" Ngumuso ako at pinagmasdan ang kaibigan ko.

I even tilted my head.

"Ano ba, huwag kang ganyan!" Sita niya saakin at inayos ang ulo ko saka hinila. Nagpatianod nalang ako.

"Ikaw talaga ah, nakakainis ka! Ni Ha ni Ho wala kang sinabi noong umalis ka tapos ngayon umiiwas ka, bakit? Inaway ba kita?" Pag-aalburuto niya.

Padarag niyang binitawan ang kamay ko at hinarap ako. Akala ko bubugahan niya na ako ng apoy, nagkamali ako.

"Kumain kana ba?" Kita sa kanyang mga mata ang concern.

Umiling ako, naningkit naman ang mata niya at namula. Namula saan?

"Hay nako! Malolosyang ako sayo, pakibalik nga ang dating Azalea!" Bulyaw niya.

Ako parin naman si Azalea ah? Ayun nga lang ay hindi na ako tanga tulad ng dating Azalea, yung ubod ng katangahan sa buhay.

"Kayo na muna bahala, susubuan ko lang ng pagkain si Azalea" Sarcastic niyang sabi sa kateam namin.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon