" Bukas na ang dating ng Dad mo anak" Napabaling ako kay Mama.April 5 ang araw na ito, huwebes at mainit ang panahon.
"Matutuwa ka sa supresa ng Dad mo sayo" Ani Mama na may ngiti sa labi.
Tumawag si Dad noong lunes at ibinalita ang tungkol sa supresa niya para sa akin, anito lubos akong masisiyahan sa dala niyang regalo. Pahabol na regalo ng Dad. Hindi naman ako magkandamayaw sa pagtatanong kung ano ang supresang iyon, walang clue na binigay si Dad bukod sa matagal ko na itong hinihiling at labis ko itong ikatutuwa.
Nasabik ako para bukas, walang sinabi si Mama kung anong oras darating si Dad. Tinulak ko ang cart sa kung saang direksyon patungo si Mama, nauna na sa akin si Mama sa paglilibot sa grocery habang ako ay nagtutulak ng cart namin. Isinama ako ni Mama upang mamili ng ihahanda bukas, uuwi si Dad at maghahanda si Mama ng kaunting pagkain upang pagsaluhan namin.
Ang huling alaala ko ng paggo-grocery kasama si Mama ay noong July last year, matagal-tagal na rin dahil na rin sa pagpunta ko ng Japan. Dahil sa nangyari sa akin. Nasa veggies section kami, si Mama ay nakatingin sa listahan niyang nakasulat sa isang kapat na papel. Inaliw ko na lamang ang sarili sa pagmamasid ng paligid at kahit na ganoon hindi ko pa rin kinakalimutan na may tulak-tulak akong cart.
Maraming iba't ibang gulay na nilagay si Mama, mapamaliit at mapalaki'y nasa cart na namin. Nilakad niya ang direkyon ng meat section, nakasunod naman ako sakanya at mataman na tiningnan ang nakitang imahe sa patutunguhan.
Si Akira Herrington. Kahit nakatalikod si Akira ay nakilala ko siya kaagad, ang tindig niya. Ang kaputian niya, ang mahaba ay medyo kulot nitong buhok. Ang porma nitong masarap sa mata kasama ang lalaking hindi ko makilala, mas matangkad ng ilang inches kay Akira. Tuwid ang tindig at kausap ang lalaking nakatoka sa meat section. Hindi ko sinasadyang mabangga ang push cart nila.
Kagaya ko, nanlalaki rin ang medyo singkit na mata ni Akira. Hindi siya makapaniwala, kahit naman na ako. Dalawang beses ko siyang nakita sa buong summer ko. Ang una'y hindi niya alam pero ngayon, wala na akong kawala. Napalingon na rin ang lalaking kasama niya. Nakilala ko kaagad nang patagilid itong lumingon at kung hindi ako nagkakamali siya rin ang kasama ni Akira sa coffee shop nila.
"Hi Akira" Pormal kong bati. Tumindig ako nang mabuti upang kamayan ang kaibigan.
May ngiti sa labi ngunit pansin ko ang pagiging ilang niya sa sitwasyon, hindi siya kumportable. Iyon ang nakikita ko base sa kanyang kilos ngayon.
"Hi Azalea, how are you?" tanong niya pabalik.
"Anak.."Tawag ni Mama, hindi kalayuan sa aming pwesto ni Akira.
Ang lalaking kasama ni Akira ay buong atensyon nang nakikinig sa aming usapan, mataman ang kanyang tingin. Ang isang kamay ay nakahulikkip habang ang isa nama'y nakahawak sa kanilang cart na maraming laman. Bagay na bagay sa porma nitong nakafaded jeans at itim na v-neck shirt. May malalaki at maganda itong katawan dahil na rin sa tindig at muscles nitong tumutunog kung lilikha siya ng kaunting galaw.
Grabe ang isang ito! Parang hari ng gym sa ganda ng katawan! Nahuli niya akong nakatingin sakanya, sinusuri siya kaya wala ng sabi-sabi'y nilisan ko sila ni Akira. Shit! Azalea! Na saan ang manners mo?
"Sino iyon anak?" tanong ni Mama nang nakalapit na ako sakanya.
Pasimple kong binalingan ng tingin ang gawi nila Akira, wala na sila kaya nakahinga ako ng maluwag sa nakita. I faced my Mama when she puts some meat in our cart.
"Kaklase po namin, kasama ata ang kapatid niya" Sagot ko. Hindi ako sigurado kung kapatid, sa titig ng lalaki kay Akira hindi ko masasabing kapatid nga. Pero kung hindi man, sino ang lalaki? Hindi ko ito kilala at kung pagbabasehan ang porma at hitsura nito masasabi kong mas matanda siya sa amin ni Akira, dalawa hanggang tatlong taon ang tanda nito sa amin.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...