Kalagitnaan ng pagpapakilala ng mga Monteverde sa isang Medina at Desporte nang biglang tumunog ang cellphone ng isang Medina, tiningnan niya ang caller at hindi niya maipaliwanag ang naramdaman sa sandaling iyon nang mabasa ang pangalan.
Leslie Yamashi's calling...
Ang kinilala niyang Tita sa buong buhay niya, ang isa sa mga lihim na dapat niyang malaman. Hindi pa rin sapat ang kaalamang nalaman niya sa mga Monteverde, kung paano siya naging isang Monteverde sa mga oras na iyon. Kung paano niya naging Ama si Cristofer.
Umalis si Azalea sa mga Monteverde at nagpasyang sagutin ang tawag sa isang sulok, malayo sa mga pandinig ng Monteverde. Ang dami niyang gustong sabihin sa Tita niya, ang dami niyang tanong at para sakanya hindi sapat ang labing walong taong mga tanong sa isang usapan lamang.
"Azalea? na saan ka? Umuwi kana sa bahay." Pambungad na salita ng kanyang Tita.
Ngayong narinig niya ang boses ng kanyang Tita lalong nag-uumapaw ang tinatago niyang galit, puot at katanungan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Kung bakit lumaki siya sa piling ng iba, sa mga kinilala niyang magulang.
"Why?" Hindi pala sapat na marami kang gustong itanong dahil sa huli, simpleng kataga lamang ang kaya mong ibigkas. Simpleng kataga na naglalaman ng malalim na kahulugan.
Hindi makasagot ang kabilang linya, lalo na nang nagsimulang humikbi si Azalea. Simpleng bakit hindi masagot ng kanyang tita, limang letra lamang pero kayhirap tumbasan ng sagot.
"Buong buhay ko sina Mama at Dad ang kinilala kong magulang at ngayon gugulatin niyo ako dahil sa lihim na tinago niyo sa akin!" Hindi man pasigaw ang ginawa niya, tiniyak naman ni Azalea na maramdaman ang gigil at galit niya sa pagbigkas ng mga salitang iyon.
"Kaya pala iba ang trato sa akin ng pamilya, kaya pala ganoon na lang kung umasta si Jessica kasi hindi naman totoo na isa akong Medina.. Hindi.." Naalala ni Azalea kapag nagkakaroon ng salo-salo o hindi kaya't birthday ng kamag-anak pinagtatakhan niya kung bakit mainit ang dugo ng pinsan niyang si Jessica at ang ibang Medina.
Akala niya nakagawa siya ng kasalanan na hindi niya maalala kung kailan niya nagawa, baka nasaktan nita ang mga iyon sa mga salita niya kaya kapag nagaganap ang ganoong salo-salo pinipili niyang mag-isa, pinipili niyang makihalubilo sa ibang bagay na walang buhay kaysa sa may buhay na wala namang interes sakanya.
Kaya ang batang Azalea noon ay takot makihalubilo sa iba, kaya sa ilang taon niya sa mundo wala man lang siyang nakakausap, naging kaibigan, napagsasabihan ng lahat ng ito bukod sa Mama, Dad at Tita niya. Ngayong nalaman niya na ang totoo hindi naman maipaliwanag ang galit niya sa mga ito.
"Isa kang Mendez, Mendez at Monteverde.. Hindi na importante ang Medina ngayon Azalea." Mas lalo lang nainis si Azalea dahil sa naging sagot ng kanyang tita.
"Hindi ako makapaniwala na iyan pa ang sasabihin mo sa akin ngayon Tita. Hindi importante ang Medina? Tita sa lahat ng Mendez at Monteverde lalong-lalo na ikaw at si Cristofer si Arthuro Medina lamang ang nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal, sila ni Mama na hindi ko tunay na magulang ang siyang nagparamdam sa akin ng pagmamahal." Hindi makasalita si Leslie Yamashi, nasaktan niya ang loob ng kanyang anak sa mga nasabi nito. Nasaktan niya ng mga salita niya.
Nakalimutan niyang ang kapatid niyang si Lailah at ang asawa nito ang nagpalaki sa anak niya, nakalimutan niyang iniwan niya ito at pina-ampon sa ate niya. Nakalimutan niya na kasalanan niya ang lahat, nakalimutan niyang hindi niya kinayang alagaan ng mag-isa ang anak. Tinalikuran niya ang anak niya para sa pangarap niya pero ngayong nangyayari na ang lahat ng ito saka lamang siya natauhan, na ang pangarap niya simula nang makabalik sa Japan ay ang anak, suportahan ang lahat ng gusto nito at iparamdam ang pagmamahal.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...