KABANATA 34

216 8 0
                                    

THIRD PERSON'S POV
 

                       Flashback

Kumunot ang noo ni Laila Mendez nang makita ang kapatid niyang si Leslie sa harap ng kanilang bahay, laking gulat niya kung bakit nasa labas ito at tila napaaga ang uwi ng pinas. Si Leslie Mendez ay nagtatrabaho sa Japan, ang kanyang talento ay lubos niyang nagamit sa larangan ng musika. Isa siyang entertainer sa Japan sa isang esklusibong hotel na pinagtatrabahuan niya noon.


Maagang nangulila sa magulang ang magkakapatid na Mendez, ang panganay ay nanatiling matatag kahit hindi alam kung ano ba ang mga hakbang na kanyang gagawin. Hindi siya naging handa sa resposibilidad na kanyang gagampanan, hindi niya inaasahan na darating ang araw na siya ang sasalo sa lahat. Napahinto sa pag-aaral si Laila upang maalagaan at matustusan ang pangangailangan ng kanyang dalawang kapatid, hindi kasi sapat ang naiwang ari-arian at pera ng kanilang magulang dahil bago pa man sila pumanaw ay sa isang pribado at ekslusibong paaralan sila pumapasok kaya't malaki ang naiwang utang  ng kanilang yumaong magulang bukod doon napagastos din sila sa pagpapa-ospital.

Inatake sa puso ang padre de pamilya ng pamilyang Mendez habang inilibot at sinuri nito ang kanilang lupain sa ilalim ng tirik na araw, walang nakapagsabi at walang nakakaalam na mangyayari iyon. Habang ang ilaw ng kanilang tahanan ay hindi kinaya ang pangungulila at hinagpis sa pagkawala ng kabiyak, hindi pa pumatak ang bagong taon nang pumanaw rin ito.

Si Laila Mendez ang tumayong Ina at Ama sa kanyang dalawang kapatid, isang lalaki at isang babae. Si Laila ay nasa bente kuwatro anyos na at si Leslie naman ay bente anyos habang ang kapatid nilang lalaki ay labing pitong gulang pa lamang at kasalukuyang nag-aaral sa isang unibersidad.

Simula noon itinaguyod ni Laila ang dalawang kapatid sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa gabi at inaalagaan naman ito sa umaga. Nakilala rin ni Laila Mendez si Arturo Medina sa kainang pinagtatrabahuhan nito, tuwing alas kuwatro ng hapon at alas kuwatro ng umaga ang kanyang duty. Ang Lalaking Medina ay nagpakilala bilang isang call center agent na hindi kalayuan sa kinatirikan ng kainang pinapasukan ni Laila. Nagpahiwatig ang lalaki ng pag-ibig kay Laila ngunit si Laila ay walang balak na paunlakan ang lalaki.

"Pasensya na't hindi ko matatanggap ang mga iyan" Aniya sa lalaking Medina na may hawak na bulaklak.

Umalis si Laila sa table ni Arturo at tumungo sa kitchen. Inaamin niyang nagugustuhan niya ang lalaki ngunit hindi niya kayang isakripisyo ang pangangailangan ng kanyang mga kapatid para lang sa pangangailangan ng puso niya. Sarado ang isip niya sa pag-ibig at alam niya namang makapaghihintay siya.


Sa kabila ng pag-ayaw ni Laila lalo namang nabigyan ng lakas ng loob itong si Arthuro, gabi-gabi niyang pinupuntahan ang kainan upang masilayan si Laila na ikinatuwa naman ni Laila. Lingid sa kanilang kaalaman na tuluyan na ngang nahulog ang dalawa sa pag-ibig, ang pagbabaka sakali ni Arturo kay Laila ay unti-unti na ring nagbunga.

Pero hindi ganoon kadali mapaibig si Laila lalo na't may paninindigan ito.

"Bakit hindi mo mabigyan ng pag-asa ang pag-ibig ko sayo, Laila?" Tanong nito isang gabing bigo na naman siya sa pagsusuyo kay Laila.


"Patawad at wala akong intensyon na saktan ka. Sa totoo lang gusto kita pero ayoko munang pumasok sa isang relasyon, may pangarap pa ang mga kapatid ko at tutuparin ko ang mga iyon" Lalong nabighani si Arthuro sa naisagot ni Laila.

Paulit-ulit niyang nililigawan si Laila, tuwing uuwi ito ng madaling araw lagi niyang sinusundan. Hindi rin totoo na nagtatrabaho siya bilang call center agent dahil ang totoo isa siyang lehistradong sundalo. Alam niyang kung sasabihin niya ang totoo'y lalong hindi siya magugustuhan ni Laila, minsan nang may nabigong sundalo sa panliligaw kay Laila.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon