Nagsisi ako kung bakit ko sinabi kay Leo. Sa ginawa kong iyon baka madamay siya, nadungisan na nga ang pangalan niya dinagdagan ko pa. Sa kanyang kilos ngayon alam ko na ang gagawin niya, tulad nga ng sinabi niya hindi niya ito palalampasin. Lalo na't narinig niya mismo sa akin ang mga salitang hindi ko alam kung saan nanggaling.
Hindi ko na naabutan si Leo pagkalabas ko ng clinic. Shit! Saan ko siya hahanapin? Bumalik ako sa kanilang silid aralan, baka sakali naroroon siya. Hiningal ako sa pagtakbo, wala akong nadatnan na tao sa silid. Ang paligid ay tahimik, wala na ring mga estudyanteng nakapila. Tantsa ko alas dos na ng hapon, naghanap ako ng taong maaari kong mapagtanungan.
"Nakita niyo ba si Leonardo?" Tanong ko sa nakasalubong na Junior.
Umiling sila. Naghanap ulit ako ng mapagtanungan, pumunta na rin ako ng cafeteria kaso wala rin si Leo. Walang nakasagot sa akin kung na saan siya.
Kinapa ko sa aking pantalon ang cellphone, tatawagin ko siya! Bumalik ako ng clinic dahil naiwan ang bag ko, naroon ang cellphone ko. Tinakbo ko ulit ang pagitan ng cafeteria at ng clinic. Malayo-layo. Madadaanan mo pa ang tatlong building bago mo marating ang klinika.
"May naghanap sayo rito" Sabi ng nurse na nakaduty sa clinic.
"Sino po?" Tanong ko habang papalapit sa kama at sinikop ang gamit.
"Umalis din kaagad noong nalaman na wala ka rito, babae siya. Kamukha ng boyfriend mo" Tumango ako sa nars at nagpaalam na.
Ang tinutukoy niyang boyfriend ay si Leo at ang kamukha nito ay si Anya. Pinuntahan ako ni Anya rito, ibig sabihin may nangyari talaga na hindi maganda! Mabilis kong hinanap sa bag ang cellphone ko, may mga miss called. Kay Andrei at kay Anya. May mga text din pero hindi ko na binasa, kaagad ko ng dinayal ang numero ni Leo.
Please.. Sumagot ka.
Nakailang ring ako wala pa ring sumasagot. Hindi na normal ang tibok ng puso ko, sobra-sobra ang kabog nito. Nang dinayal ko ulit at walang sumagot pinagpasya kong tawagan ang numero ni Anya. Nakatatlong tawag ako bago niya sinagot.
Hikbi niya ang bumungad sa kabilang linya. Mas dumoble ang kaba ko, hindi na ako mapakali. Gusto kong malaman kung kasama niya ba si Leo.
"I h-hate you so much.. Ginagawa mong halimaw ang kakambal ko" Kasabay ng hikbi ang kanyang pagsabi.
Nahirapan akong huminga, hindi siya nagsalita. Maingay ang kanyang paligid, mga tilian at sigawan ng tao.
"Anya.. Na s-saan ka?" Tanong ko. Hindi ko alam kung naintindihan niya iyon base sa paligid niyang nababalot ng hiyawan at sigawan.
"Fuck you! Velasquez!" Malutong na mura ang narinig ko sa kabilang linya.
Shit! Binabaan ko na kaagad si Anya ng cellphone, alam ko na kung saan sila matatagpuan. Sa gymnasium kung saan nagpapraktis ang lahat. Hindi ko man lang naisip na maaaring dito siya pupunta, na dito niya mahahanap si Velasquez.
Binigay ko ang buong lakas ko, tumakbo ako ng mabilis, muntikan na akong madapa dahil sa bato. Tinulak ko kaagad ang gate ng gym, nababalot pa rin ng hiyawan ang paligid. Si Andrei na nakahawak sa magkabilang braso ni Leo ang bumungad sa akin, ang kumpulan ng estudyante. Ang kabilang panig kung saan naroroon ang babae, si Carpio at isang lalaki na may pasa't dugo sa gilid ng labi.
Mainit ang luhang tumulo galing sa kanang bahagi ng mata ko, nangangatog ang binti ko habang papalapit sa senaryo.
"Bakit Desporte, hindi ba totoo?" Sigaw ng lalaking may pasa.
Umambang susugurin ni Leo ang nagsalita, nakawala siya sa mga hawak ni Andrei. Hindi ko kayang makita na ganito siya, ganito sila dahil sa akin. Si Leo na may pasa rin sa mukha, ang marumi nitong damit.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...