KABANATA 15

215 11 29
                                    

Wala na kaming pasok dahil tuloy-tuloy na ang aming practice. Ang ibang estudyante ay inaasikaso na lamang ang clearance nila. Marso na, buwan na ng big day namin. Linggo na rin ang itinagal ng pag-iiwas sa akin ni Anya. Nararamdaman ko sa puso ko na hinding-hindi niya na ako papansinin.

Okay na kami ni Leo. Okay na kami sa pagiging magkaibigan, tinanggap niya pa rin ako bilang kaibigan niya. Ang suwerte ng magiging girlfriend ni Leo, bukod sa mabait, mapagmahal pa plus points na lang ang kapogian niya.

Nagpapahinga ako sa paborito kong tambayan, nalukungkot ako sapagkat ilang linggo na lamang lilisanin ko na ang lugar na ito. Ang eskwelahan kung saan ako natuto, kung saan ako nagkaroon ng kaibigan. Lugar kung saan unang tumibok ang puso ko. Lugar na nagbigay ng sakit, saya, pagkamangha sa akin.

Kahit na masakit sa mata ang kalangitan pinilit ko pa ring makipagtitigan, gamit ang naniningkit kong mga mata. Itinaas ko ang aking kamay na animo'y maaabot ko ang ulap na nagkorteng kaharian. Sa ibang banda nama'y ulap na nagkorteng alon ng karagatan.

Iniisip ko kung susunggabin ko ba ang alok ng aking tita, na mag-aral sa Japan. Sa isang international school. Magandang oportunidad para sa akin, pero hindi ko naman makakayanang mahiwalay sa magulang ko. Ayokong maiwan mag-isa si Mama tuwing may duty si Dad. Ayokong sila lang dalawa ang mamasyal, manonood ng sine. Gusto kong maging bahagi ng mga pangyayaring yaon.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kinapa ko iyon sa aking tabi. Tumagilid ako upang mabasa ng maayos ang mensahe ng kung sino man. Isang text na nanggaling kay Leo.

Leo:
Where are you?

Me:
Nasa secret place.

Hindi na siya nagreply pa. Siguro papunta ma iyon dito. I still have 20 minutes bago magsimula ang pang hapon na pratice. Hinawakan ko ang dulo ng mantle nang umihap ang hangin. Malamig at nakakarelax na hangin ang dumaan.

Limang minuto na ang lumipas at wala pa rin si Leo. Baka may dinaanan siya. Naghintay pa ako ng limang minuto bago nagpasyang lisanin ang lugar. Nagsimula na akong maglakad, malayo na ako sa paboritong lugar. Dumaan ako sa nakahilerang classroom ng mga senior high, iilan lang ang nakita kong tao sa bawat silid. Dahil na rin siguro sa wala na talagang klase, at ang iilan ay nakapila sa mga opisina ng paaralan. Naghahabol para mapirmahan ang kanilang clearance.

Nadaanan ko ang silid ng sekyon nila Leo. Napahinto ako, wala namang tao sa loob pero rinig ko ang usapan ng kung sino. Kumunot ang noo ko at pinagwalang bahala na lamang iyon nang marinig ko ang pangalan ko sa usapan.

"Sigurado ka ba riyan, baka naman gawa-gawa mo lang" tanong ng babae.

Lumapit ako sa may bintana. Wala talaga akong nakikita. Wala namang nakaupo, wala ring nakatayo.

"Yes babe, usap-usapan siya noong agosto at hanggang ngayon sa team namin. Tinawag pa nga siyang prostitute so ibig sabihin totoo na kinakama siya ni Leonardo" Sagot ng lalaki.

Nanigas ako sa narinig. Sa tanang buhay ko, bukod sa masasakit na salita ni Yohan heto na yata ang pinakamasakit sa lahat. Ang makarinig ng masamang balita tungkol sayo, wala akong kaalam-alam. At anong kinakama ako ni Leo?!

"Hindi ako naniniwala, mukhang mabait si Azalea. Best friend iyon ni Anya diba? iyong kakambal ni Leo?" Tanong ulit ng babae.

Hindi ko alam kung bakit nakikinig pa rin ako. Kung bakiy kahit masasakit na ang mga naririnig ko ay nandito pa rin ako, pinipilit na maging matapang upang alamin ang puno't dulo nito.

Narinig ko ang tili ng babae, hinanap ko kung saang banda sa silid. Napako ang mata ko sa sahig, sa may teacher's table. Naroon ang lalaki't babae na nakahiga, nakapatong ang lalaki sakanya.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon