KABANATA 36

255 10 0
                                    

Pinaghandaan ko ang reunion na pupuntahan, may limang araw pa naman ako para mamili ng regalo para kay Stephie. Hindi ko maalala kung kailan ako naging excited sa pupuntahang party, kahit noong bumibiyahe kami patungo Japan upang dalawin ang Tita ko hindi ko naman naramdaman ang ganitong pakiramdam. Magkahalong saya at pagkasabik.

Bukas gaganapin ang unang araw ng foundation day, hanggang biyernes iyon at sa martes naman kami magpapakitang gilas. Huling araw rin ng practice namin ngayon kahit na linggo.

Kanya-kanyang direksyon ang tinungo ng kasamahan namin nang matapos ang pag-eensayo, kami ni Leo ay kaagad nang tumungo sa kanyang sasakyan nang makasalubong namin si Carpio.

"Desporte, sasama ka ba sa liga?" Tanong ni Carpio. Sumenyas lamang siya sa akin.

"Next time Carpio, medyo pagod ako ngayong araw eh" Sagot naman ni Leo. Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Carpio sa amin.

Sinulyapan ko naman si Leo, walang bakas na pagod ang kanyang awra.

"May iba ka pa bang ginagawa bukod sa pag-eensayo natin?" I asked when we reached the parking space.

Kaagad niya nang pinatunog ang alarma ng kanyang sasakyan, papasok na sana ako sa kotse niya nang pigilan niya ako. Pinaharap niya ako sakanya at tumitig sa mga mata ko, umiwas ako ng tingin.

Iniisip ko kung napagod ba siya sa ibang bagay na ginawa niya at ano naman kaya iyon?! Napagod nang hindi ko alam?

"Hindi naman totoo na pagod ako, oo konti pero hindi sobra" Sabi niya.

Kumunot ang noo ko, paano niya nalaman na iyon ang tumatakbo sa isipan ko? Hindi pa rin ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa malayo, sa mga naglalaro ng soccer.

"Hey..." Sabi niya sabay hawak sa baba ko at hinarap sakanya.

Naka-half smile siya, tinatago ang malaki niyang ngiti.

"Sinabi ko lang iyon kasi gusto kong kasama lang kita, If I will play hindi kita makakasama noon. Hindi ko naman hahayaan na manonood ka ng laro, mas pipiliin kong magpahinga ka" Mahina ang boses niya pero puno ng sensiridad.

Ngumuso ako, bakit ako magpapahinga? eh hindi naman ako napagod. Mas gugustuhin ko ring manood ng laro niya dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nagbabasketball.

"Pakiramdam ko umiiwas ka sa team mo dahil sa akin" Sabi ko.

Ngumiti siya, hindi man lang binigyan ng pansin ang sinabi ko.

"Hindi.. Hindi sa ganoon, mas gusto ko lang talaga na makasama ka. Ang laro makakapaghintay pero ang tayo, ang pagnanabik ko sayo? hinding-hindi makakapaghintay." Walang bumitaw sa titigan namin ni Leo habang sinasabi niya iyon.

Masarap pakinggan ang matatamis na salitang nanggaling sa kanyang bibig, kaagad nang nawala ang mga naiisip kong problema.

"I want to watch your game, baby." Tiniyak kong mas malambing ang pagkasabi ko kaysa sakanya.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagsinghap ni Leo, kaagad namang napalitan ng nguso at pagkakunot ng noo. Dahan-dahan ko namang hinawakan ang kanang bahagi ng dibdib niya kung saan may malakas na tibok akong nararamdaman. Kasalungat ng tinatago niyang tunay na nararamdaman.

"uhhh...." Hindi siya makahanap ng tamang salita. Natitiklop ang mabangis na Leon sa isang baby lang.

Oh gosh!

I smiled and pull him closer.

"Thank you for making me feel special, Leo." Bulong ko sa kanyang dibdib, ang bango ng amoy niya.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon