KABANATA 29

191 10 0
                                    

Kumabog ang dibdib ko nang makita si Anya kasama sila Andrei, Suzanne, Carpio at si Leo. Unang araw ng pasukan, hindi ako sumabay sakanila dahil sa nangyari noong sabado, nagtago ako sa kumpulan ng mga estudyante batid ko ang pahahanap sa akin ng kaibigan dahil na rin sa maya't maya nilang pagtetext sa akin.

Hindi ko sila kayang harapin, ang nangyari noong sabado ay sobrang nakakahiya. Si Andrei ang nagbigay ng kaalaman sa akin na ang babaeng nakatayo sa harap namin ni Anya ay si Stacey Dela Victoria, noong malaman ko iyon ay hinigit ko si Anya, paalis sa lugar na kung saan ang kinakatakutan ko.

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng takot kapag naririnig ko ang pangalan ni Stacey at ngayong nakita ko na siya sa aktwal lalo lang nadagdagan ang takot kong iyon.

Nagpatianod naman si Anya sa aking hila, ramdam ko na ang mainit na tubig sa akin pisngi. Nakakainis lang, nagwalk-out ako kasama si Anya hindi man lang sumunod ang dalawang lalaki, talagang nasisiyahan sa presensya ni Stacey Dela Victoria!

"Azalea... A-Ano.. uh o-okay ka lang?" Nauutal na tanong ni Anya. Ni hindi siya makahanap ng tamang salita upang tanungin kung okay ba ako.

Binitawan ko ang kamay niya, nasa gitna kami ng soccer field, nasa ilalim ng mainit na araw, nasa gitna ng pakiramdam na hindi maintindihan. Nasilaw ako nang tumingala sa langit, pinikit ko naman kaagad ang mga mata ko, please haring araw patuyuin mo ang luha sa aking pisngi.

"I'm s-sorry, Anya.. Bumalik kana s-sakanila" I managed to say those words.

Hindi ko alam kung nanatili pa ba siya sa aking tabi o tuluyan na akong iniwan, nakapikit pa rin ako at dinadama ang init ng araw sa aking pisngi. Napagtanto kong nasa tabi ko pa rin siya nang humugot ito ng hininga. Hindi ko alam Anya kung okay pa ba ako.

Hinarap ko siya, ang malungkot nitong mata ay nakadirekta sa akin. Malungkot dahil siguro sa nakikita niya. Ngumiti ako, isang pekeng ngiti. Hinawakan ko ang kamay niya.

"I'm sorry, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko" Pagkatapos kong sabihin iyon ay umalis na ako.

Iniwan ko siya, noong napansin kong hahablutin niya ang braso ko ay kumaripas na ako ng takbo, hindi ako dumiretso palabas ng campus. Nagtago ako sa likod ng punongkahoy, isang malaking punong kahoy na malapit sa gate at sa soccer field. Nakikita ko sila rito sa aking pwesto, palinga-linga ang mga kaibigan ko. Kasama nila si Stacey na kinakausap si Leo, si Leo naman na nakatingin sa kanyang cellphone.

Sa kilos kong ito, alam kong magtataka sila. Baka hindi lang pagtataka at sa ngayon ay nakabuo na sila ng konklusyon base sa kinikilos ko, in-off ko ang cellphone ko para hindi nila matawagan, nang nakalabas na sila ng campus saka lamang ako nakahinga. Sumabay na rin siguro si Stacey sakanila, okay lang. Magko-commute ako, ang importante'y na-enroll ako bago mangyari ito.

Tumungo ako para hindi makita ng higanteng Leo at Andrei, isama mo pa si Carpio! Hindi ako na-inform na rito rin pala nag-enroll ang magkasintahan, sino pa kaya sa aming kabatch ang nag-aral sa unibersidad na ito?

Alam ko namang wala akong takas, magkaklase kami ni Anya, panigurado iyon dahil pareho kami ng kurso at isa lang ang ibig sabihin noon, makikita at makikita ko si Leo.

Ang tunog ng alarm ay umalingawngaw sa buong kapaligiran, hudyat na magsisimula ang unang klase. Nawala na sa paningin ko ang mga kaibigan, umalis na rin ako sa kumpulan ng mga kapwa kpng estudyante matapos magtanong kung saan makikita ang building unang klase ko.

In-on ko ang cellphone ko kagabi, at tulad ng inaasahan ko. Binaha nila ang messenger at inbox ko ng kanilang text, ganoon din si Leo. Ni isa sakanila wala akong nireplyan, hintayin kong humupa ang kahihiyang nadarama ko!

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon