Hindi na ako pinapansin ni Anya simula noong umamin ako, tatlong araw na. Tatlong araw niya na akong iniiwasan at bilang respeto sa kanyang damdamin ay iniiwasan ko na rin si Leo, sila ni Andrei. Hindi ko na kaya, lalo na't umiiwas si Anya sa akin.
Hindi ko rin alam kung paano ko nagagawa ang pag-iwas sakanila kahit na maya't maya nila ako pinupuntahan sa klase, sinasabayan sa recess, sa pagkain ng lunch at sa pag-uwi.
Sabado ngayong araw, kahit walang klase ay kailangan pa ring pumunta sa school. Magpapraktis para sa nalalapit na big day. Hindi ako dumalo kaninang umaga, ngayon lang.
Pasadong ala una nasa gymnasium na ako, wala pang katao-tao. Siguro mamaya pang 1:30 magsisimula. Umupo ako sa bleachers, may mga pumasok sa gym. Mga basketbalista. Siguro may laro sila, hindi ko alam.
Pinanood ko ang kanilang ginawa, nagwarm-up sila. Hindi nila alam na narito ako, na nasa bleachers lang ako. Nakadungaw sakanila. Wala silang kaalam-alam na naririnig ko ang usapan nila.
"Hanep pare, nakipagsuntukan si Desporte kanina" Kwento ng lalaking nay numerong 13.
13
Carpio.Hindi ko sila namumukaan, siguro mga junior. At anong Desporte? nakikipagsuntakan? Si Leo nakikipagsuntukan? kanino naman? Nakinig pa ako sa usapan nila. Kung kailan interesado ako sa pinag-uusapan nila saka naman sila tumigil, pinagpatuloy ang ehersisyo. Naglaro ang mga player na nasa parehong jersey.
Hindi ko alam kung may praktis ba kami, ang pagkakaalam ko meron pero bakit wala sila rito? Kung ganoon na saan sila?
May nakapansin sa akin, kilala ko ang lalaki. Kabatch ko. Kunot noo niya akong tiningnan, nagtataka. Siguro nga tama ang hula ko, wala kaming praktis sa hapong ito! Tsk.
"Sabi ni Teacher Roger, sa lunes ulit ang praktis. Sunod-sunod na" sabi ng lalaki. Kahit hindi ko siya tinanong.
Tumango ako. Napansin na rin ako ng kagrupo niya. May pinag-uusapan silang hindi ko naririnig. Masyadong mahina, pasikreto silang nag-uusap ng kung ano.
Umalis ako sa gymnasium, kung bakit ba kasi hindi ko tinitingnan ang aking cellphone. Hindi tukoy ako updated sa nangyayari! Nakakainis!
Hindi ko na matiis ang kagustuhan kong makahagilap ng update pa tungkol sa praktis. Umupo ako sa upuang gawa sa punongkahoy. Nasa tabi iyon ng narra tree. Ang mainit na araw ay walang panama sa malalabong dahon ng narra. Nagsisilbing proteksyon sa sinag ng araw.
Mataman kong tiningnan ang cellphone, naghahanap ng mensaheng makakapagbigay ng impormasyon sa akin. May dalawang mensahe si Leo, hindi ko kailanman binasa iyon. Dalawang mensahe sa magkaibang araw.
Leo:
Okay kana? Okay ka ba kapag iniiwasan ako?Ang una niyang mensahe. Kahapon iyon ng hapon. Ang isa naman kaninang madaling umaga.
Leo:
Half day lang ang practice, may laro kami ngayon. Cheer me, please?May laro siya, ibig sabihin naroroon din si Andrei, si Yohan. Hindi ko alam kung mapagbibigyan ko siya sa kanyang pakiusap. Nireplyan ko siya, ngayon lang ako nagreply. Ngayon lang sa loob ng apat na araw na pag-iiwas ko sakanya.
Me:
Hindi na ako papayagan ni Mama lumabas, baka gagabihin ako ng uwi.Iyon na yata ang pinaka the best na rason para hindi pumunta. Kung ibang tao ang nireplayan ko nang ganoon ay kakagat kaagad. Ngunit hindi eh, si Leo ang nireplayan ko. Si Leo na may alam sa buhay ko, si Leo na laging nasa tapat ng bahay. Si Leo na pursigido, si Leo na mapagmasid. Si Leo na interesado sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...