KABANATA 26

212 8 0
                                    

Ginawang pansamantalang kwarto ni Dahlia ang guest room, ang sabi ni Mama pagbalik namin galing batangas ay aasikasuhin ang kwarto niya.

Iba na ang ikot ng hapon ko simula sa araw na ito, nagpasya akong ipasyal si Dahlia. Hindi naman tutol sina Mama dahil alam nila ito ang gusto ko, kaya ako naghahangad ng kapatid kasi may mga bagay ako na gusto gawin, gusto ko ring maramdaman ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kapatid. Mamasyal kasama siya, makipagkulitan.

"Mag-iingat kayo dalawa, Lea ang kapatid mo ah" bilin ni Mama.

Si Mama lang ang kasama namang lumabas, sa tingin ko nagpapahinga si Dad sa mga oras na ito.

"Opo Ma, babalik din kami kaagad" tumango siya sa sinabi ko.

Humalik ako sa kanyang pisngi, ngayon si Dahlia naman. Hindi niya alam kung anong gagawin, palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Mama. Pinantayan ko siya.

"Kiss Mama sa cheeks" sabi ko.

Nahihiya pa rin siyang gawin iyon kaya si Mama na ang gumawa, hinalikan siya ni Mama. Pagkatapos n'on ay nagpaalam na kami, sumakay sa nakaparadang taxi.

"Nahihiya ka pa rin ba?" Tanong ko.

"Opo, sorry ate" paumanhin niya.

I pat her head, napapangiti ako sa kainosentehan ni Dahlia.

"It's okay, naninibago ka pa lang. Masasanay ka rin naman" tumango siya at tila kumislap ang mata.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay hindi ko na siya tinanong pa. Hinayaan ko siyang pagmasdan ang paligid, hindi pa ako nakatapak sa Mindanao o kahit sa mga lungsod nito. Ang balita ko, malaki at maraming lugar roon. Narinig ko ring sa Zamboanga City si Papa na assign, hindi ko alam kung saan ang lugar na iyon sa Mindanao pero base sa naririnig ko unti-unti na itong umuunlad, nakikisabay sa panahon.

Marahil magkaiba nga ang paligid, sa nakikita kong pagkamangha kay Dahlia matitiyak kong ganoon na nga.

Tumigil ang taxi sa harap ng matayog na mall sa lungsod, nagbayad muna ako bago bumaba at hinawakan ang kamay ni Dahlia. Ngayon ko lang naisip na mapanganib ang paglabas ko, ang pagpunta ko sa Mall dahil natatakot akong makasalamuha ang mga estrangherong yaon.

Kahit na pinangungunahan na ako ng kaba hindi pa rin ako nagpapigil at tinahak ang entrance ng mall, kasama ko si Dahlia kung ipapahalata kong natatakot ako baka pati siya ay matakot, baka maisip niya na walang pagkakaiba ang pinanggalingan niya sa lugar na ito.

Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Dahlia, kahit ngayon ko pa lang siya nakasama parang natutunaw na ang puso ko. Labis itong nasasaktan sa tuwing pinagmamasdan ko ang mukha ni Dahlia, halos kumislap na ang mga maya nito sa madadaanan namin. May pagkakataon pang halos mabali ang kanyang leeg kakatingin sa nalagpasan na namin. Naaawa ako, sa ngayon pinapangako ko na gagampanan ko ang pagiging ate sa kanyan. Ipaparanas ko ang pinagkait sa kanya.

Dinala ko siya sa pinagbilihan ko ng dress niya, tinungo ko kaagad ang mga damit na nakahanger. Binitawan ko ang kamay niya at pinapili. Umiling siya, nahihirapan pa rin ba siya?

"Alin dito ang gusto mo?" May dalawang klase ng damit ang pinakita ko sakanya. Masusuot niya ang mga ito sa pupuntahan namin.

Tinuro niya ang kulay pula na may salitang GAP. Sa ganoong paraan nakapamili ako ng damit ni Dahlia, kung may nagugustuhan ako ipapakita ko ito sakanya at papipiliin siya. Tatlong pares ng damit ang nakuha ko para sakanya, dumapo naman kami sa pambaba na kasuotan. Hindi ko pa naipapakita ang pagpipilian niya nakapili na kaagad siya.

Tinuro niya ang maong pants, kinuha ko naman iyon at tinapat sakanya, sakto naman sakanya hindi lang ako sigurado kung kasya ba sa sakanya.

"I-fit natin okay?" Tumango siya kaya dinala ko na siya sa fitting room.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon