KABANATA 19

200 11 6
                                    

Alas nuwebe nang nakarating kami ni Mama sa eskwelahan. Dumiretso kami sa opisina ng Presidente kasama ang ilan pang magulang na pinatawag.

Pinapasok kaagad kami sa silid tanggapan, may mahabang babasaging na lamesa ang silid. Naupo kami, hindi ko na sinuri pa ang silid dahil abala ako sa pagmamasid ng mga parents na dumating.

Ang narito sa silid ay Ako, si Carpio, si Villaflor, si Velasquez, Suarez at si Chavez. Wala pa si Desporte, pansin ko rin na hindi kasama ng presidente ang kanyang asawa, tanging ang dalawang guidance counsel lamang ang kasama. Nakaupo sa tabi nito, kaharap kami.

Si Carpio kasama ang kanyang Ina ganoon din si Velasquez. Masungit na nakapostura ang kanyang ina, nagsusumigaw ng karangyaan sa buhay. Si Villaflor at Chavez ay wala pang kasama na guardian habang si Suarez naman ay kasama ang kanyang lola.

Ramdam ko ang tensyon sa silid, sa mga titig ng iilan na nakadirekta sa amin ng Mama ko. Bumukas ang babasaging pintuan ng silid, iniluwa noon si Leo na halata pa rin ang pasa sa pisngi, panga at galos sa labi kasama ang kanyang Mommy.

Umupo sila sa tabi ni Carpio.
Ako- ang mama ko- Villaflor- vacant- Chavez-vacant- Suarez-his lola- Carpio- his mom- Leo- and his mom.

Ilang sandali kami naghintay sa dalawa pang makakasama. Dumating ang Ina ni Villaflor pero ang kay Chavez ay wala. Nagsimula na ang meeting habang hinihintay ang guardian ni Chavez.

"Dapat hindi na nadamay ang anak ko, sinabi niya lang naman ang alam niya." Carpio's mom raise her voice.

Pinigilan siya ng anak.

"Yes you are right Misis Carpio, sinabi niya lang naman ang alam niya which is very opposite sa totoong nangyari. Bakit ba kumalat ang balita? bakit naging malala? kasi pinapakalat pa, hindi inalam ang katotohanan, masyadong bulag sa mga sabi-sabi" Mr. President.

"Ano bang alam ng anak ko? iyon ang sinasabi sakanya kaya iyon din ang pinaniniwalaan niya!" Si Misis Carpio ulit.

Hindi na tulad ng nauna niyang sinabi, ngayon mas mababa na ang boses nito.

"Misis, hindi lahat ng bagay dapat mong paniwalaan. Hindi dahil sa sinabi niya sayo paniniwalaan mo na kaagad. Sana bago mo man lang pinaniwalaan inalam mo muna kung totoo ba at kung totoo man sana inisip niyo muna ang mararamdaman ng taong iyon, ng mararamdaman ni Miss Medina. Kung kayo ba ang sinabihan ng ganoon okay lang ba sa inyo? Kung anak mo kayang babae ang pag-usapan sa ganoong paraan maaatim mo kaya? We want the best for our child, hindi natin gusto na ang mahal natin sa buhay ay ganoon na lamang husgahan" Kalmado rin ang boses ni Mr. President.

Hindi na nakaimik ang Mama ni Carpio, nakuha na yata ang punto ni Mr. President.

"So, makakagraduate ba ang anak ko?" ngayon ang Mama naman ni Suzanne Villaflor.

Tumango si Mr. President.

" Mateo Carpio, Suzanne Villaflor and Azalea Medina. Ang pangalang nabanggit ay makakamartsa, makakasabay sa mga kaklase nila at makakagraduate ngayong taon. " Patuloy ni Mr. President.

Umalma ang Mama ni Velasquez, hindi nagustuhan ang naging desisyon ng Presidente. Ang Mama ko nama'y nakikinig sa mga payo at sinasabi ng tatlong tao.

"Are your serious, Mr. Desporte? Sinasabi mo bang alanganin ang lagay ng anak ko? Hindi ka sigurado kung makakagraduate siya?" sunod-sunod ang reklamong ginawa ng Mama ni Velasquez.

Velasquez calm his Mom.

"Hindi sa ganoon, may mga proseso tayong sinusunod. Ang pinahintulutan kong mga pangalan ay malinaw na biktima lalong-lalo na si Medina. While sa case naman ni Carpio at Villaflor hindi ganoon kabigat, nagpapasalamat din ako dahil sa kanilang dalawa na pin point na kung sino ang nagpapakalat. Matagal ko na itong naririnig, kulang lamang sa ebidensya. Hindi kami gumagawa ng hakbang nang walang katibayan." Anito.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon