KABANATA 22

193 12 0
                                    

Yes pasok pa rin ang pambato ko" Magiliw kong sabi sa sarili.

Pang-sampung araw na ito ng summer ko, kasalukuyan akong nanunuod ng palabas. Wala akong ibang ginawa sa nagdaang araw kung hindi matulog, manood ng tv at makipagkulitan kay Anya sa messenger. Wala si Mama ngayon dahil may lakad siya at si Dad naman ay nasa Mindanao. Nakausap ko si Anya kanina sa messenger at marami siyang binahagi na litrato ng kanyang pamilya kasalungat ng kay Leo na puro salita, wala siyang ni isang litrato na pinadala sa akin.

Balak ko mamasyal bukas, may kailangan akong bilhin para sa nalalapit na outing namin nila Mama at makakasama naman si Dad sa araw na iyon, dalawang araw lamang namin makakasama si Dad kaya susulitin na namin.

Alas dos ng hapon nang dumating si Mama, I kissed her right cheek, nginitian niya ako at tumabi sa akin sa pag-upo. May mga dala siyang paper bag ng ilang brand na lagi niyang pinupuntahan. Sa tingin ko naghahanda na rin si Mama para sa outing namin. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang brand ng paper bag na naglalaman ng kasuotan na sa tingin ko ay nasa sampung gulang na bata. Kumpleto, isang set ng kasuotan para sa sampung gulang na bata. Kahit na bakas sa aking mukha ang pagtataka hindi ako binigyan ni Mama ng malinaw na kasagutan, tinanguan niya lamang ako at ibinigay sa akin ang isang paper bag na nasa paborito kong brand.

"Mama? sinong magbi-birthday?"Tanong ko.

Umiling naman si Mama bilang sagot, kailangan kong malaman kung sino ang magbi-birthday o kung may birthday ba kaming pupuntahan nang mabilhan ko ng regalo, isasabay ko na bukas.

"Anak, bakit tinanggihan mo ang iyong Tita?" Tanong ni Mama.

Nasa hapag kami ngayon, kumakain ng hapunan. Tumawag na naman si Tita kanina at sa pagkakataong ito'y pinilit niya na talaga ako para sa kagustuhan niya. Pinal na ang desisyon ko, hindi ako aalis ng bansa para mag-aral. Dito lang ako sa syudad, maraming eskwelahan na pwedeng pasukan at higit sa lahat hindi ako malalayo sa magulang ko.

"Kasi po ayaw kong malayo sa inyo at hindi ko naman po gustong mag-aral sa Japan."Paliwanag ko.

Humugot ng malamin hininga si Mama, nakitaan ko naman ng lungkot ang kanyang mga mata. Lungkot? kung anong dahilan ay hindi ko alam pero sa tingin ko nalulungkot siya para kay Tita.

"Sorry po, pero pinal na po ang desisyon ko Ma. Pag-uwi po natin galing batangas maghahanap na po ako ng eskwelahan" Umaliwas ang mukha ni Mama nang sabihin ko iyon, inabot niya ang aking kamay na nakahawak sa kutsara at marahan na hinaplos. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi, ginantihan ko ang ngiti ni Mama.

"I'm glad you already know what you want. Akala ko wala ka pang desisyon, ako na ang kumausap sa Tita mo, anak" Tumango ako sa sinabi ni Mama.

Pinagpatuloy namin ang pagkain ng hapunan, nang matapos naman ay hinayaan ako ni Mama na tumulong sakanya. Ako ang naghugas ng pinggan at si Mama naman ay nagliligpit ng gamit sa kusina. Kaunti lang naman ang hugasin kaya natapos din ako kaagad, nauna na si Mama sa sala upang abangan ang teleseryeng pinapanood niya tuwing gabi.

Umupo ako sa pang-isahan na sofa habang si Mama ay nakaharap sa tv. Iniisip ko pa rin kung may birthday ba kaming pupuntahan at kung kailan naman gaganapin? Alam ko namang isasama ako ni Mama kaya kailangan kong bumili ng regalo.

Alas otso kwarentay singko nang sabay na kaming umakyat ni Mama sa kwarto para magpahinga. Pagpasok ko ng kwarto ko naabutan kong umiilaw ang cellphone ko, tumunog ang pamilyar na ringtone.

Strawberries and Cigarettes..

Hindi ko pa nahahawakan ang cellphone ko nang nawala na ang tunog. Ineksamin ko ito at nakitang dalawang miss call na nanggaling sa hindi kilala numero, hinayaan ko iyon dahil ilang beses na ring may mga hindi kilalang numero ang nagtetext at tumatawag sa akin. Hindi ko naman ugali ang tumugon sa hindi kilalang tao. Binasa ko na lang ang mensahe ni Anya sa messenger.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon