Sandali kong nakalimutan ang mga kasamahan namin nang lalo pang humigpit ang hawak ni Leo sa kamay ko, ngumiti ako. Nasa dulo na ako ng pagtatago ng nararamdaman ko sakanya, sa tingin ko alam niya na kung ano ang tunay sa hindi. Siguro ngayon alam niya nang pareho kami ng tinitibok.
Masigabong palakpakan ang tumapos sa pagpapakilala namin ni Leonardo Desporte.
" Sa tingin ko alam ko na kung sino ang kakanta sa duet ngayong miyerkules, ang solo at acapella ay pag-usapan na lang natin sa susunod na pagpupulong" Anunsyo ni Stephie.
Nasa mini stage siya ngayon at nagbahagi ng pasasalamat sa lahat ng dumalo, si Leo ay nasa tabi ko. Marami pang sinabi si Stephie tulad na lang ng mga gaganapin sa miyerkules, kami ni Leo ang inatasan sa duet na gaganapin sa miyerkules ng hapon. Bukod sa freshies day may pinaghahandaan din ang samahan ng himig natin na patimpalak na kung saan ang bawat departamento ay magpapakitang gilas ngunit ang samahan namin ay hindi kabilang sa patimpalak, ang sabi ni Stephie kada taon daw nangyayari ito kung saan ang himig natin ang kakanta para sa kahit anong event na gaganapin sa eskwelahan. Ibig sabihin lang noon magiging busy kami sa mga araw na iyon.
Pasado alas sais nang matapos ang pagpupulong namin.
"Thank you sa pagpunta, ingat kayo sa pag-uwi" Huling salita ni Stephie sa lahat.
Nagsilabasan na ang ilan sa amin, ang natira ay ang opisyales ng club, kami ni Leo at si Yohan na kausap si Anton. Nilapitan ko si Stephie upang magpaalam.
"uuwi na ako ah, may kasama ka bang umuwi?" tanong ko sakanya.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at walang pasabing niyakap ako. Medyo na gulat ako roon pero nakabawi rin kaagad, nagagalak naman ako at ganito siya sa akin. Hindi ko naramdaman ito, ang magkaroon ng ate o mas nakakatanda sa akin. Si Jessica na pinsan ko ay laging masama ang tingin sa akin at never kaming nagkasundo, lagi siyang naiinis kahit hindi ko naman inaano. Nakakalungkot lang isipin na kung sino pa ang kadugo mo siya pa ang hindi mo ka-close at hetong si Stephie na ngayon ko lang nakilala walang ibang ginawa kundi maging mabait sa akin.
"Salamat dahil hindi kana takot sa akin, sana hayaan mo akong makalapit pa lalo sayo. Gusto ka naming makilala Azalea, sana mapagbigyan kami" May kung anong mayron kay Stephie na hindi ko mawari, kinakausap niya ako nang malalim. Hindi ko rin alam kung ano itong pinagsasabi niya sa akin.
"Ayos naman iyon sa akin, kahit naguguluhan ako kung bakit. Sorry kung natakot ako, unang beses ko kasing malapitan ng hindi ko kilala. Sana maiintindihan mo, Stephie" Tumango siya sa sinabi ko at may nginusuan sa likuran ko.
"Umuwi kana, hinihintay kana ng boyfriend mo" uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Stephie. Humalakhak siya at iginiya ako palapit kay Leo.
"Ingatan mo siya Leonardo, makakatikim ka sa amin kapag pinaiyak mo 'yan" Bilin ni Stephie kay Leo.
"Makakaasa ka Miss Monteverde" Nagtanguan ang dalawa.
Humalik sa pisngi ko si Stephie bago ako pinakawalan, kinagat ko ang labi ko habang tinatahak namin ang pababa ng gusali. Sobrang tuwa ang nararamdam ko sa araw na ito, parang may mainit na yakap sa aking puso sa mga salita ni Stephie.
Nasa passenger seat ako habang si Leo ang nasa driver seat. Hindi pa rin ako makapaniwala sa unang araw ko sa eskwelahan, hindi ko alam na ganito pala kaganda ang buhay estudyante kung maraming kaibigan. Para akong nakawala sa hawla, malayang lumilipad at nagagawa ang mga gusto.
"We're here, Rose" sinulyapan ko ang labas at tama nga si Leo. Nasa tapat na kami ng aming bahay. Ilang minuto na lamang ay mag-aalas siyete na ng gabi.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...