Herrington's Café of Love.
Pambungad na bati ng Coffee shop, I heard dito naganap ang love story ng kanilang lolo't lola. Sa coffee shop na ito nagsimula, ang cute hindi ba.
Sinuri ko ang loob, wala pa ring nagbago. Ang kulay ng lamesa ay kasing kulay ng mga upuan, ang marmol na sahig, ang mga palamuti'y nasa kulay abo. Mga halamang nasa paso, mga karatula na may iba't ibang kasabihan at ang menu nilang hanggang ngayon ay nanatili pa rin. Isa sa menu nilang binabalik-balikan ay ang Frappe of Love na si Mrs. Lian Herrington mismo ang nagpangalan, ang lola nila Andrei.
Unorder ako ng Frappe of Love at ang tinatawag nilang Cookies Mi Amor. Dito ko lamang ito matitikman, sariling recipe ng may ari na sa tingin ko ay Tita nila Andrei ang nakaisip. Ang pagkakaalam ko ay may ilang branch na rin sila pero itong branch talaga ang dinarayo dahil na rin sa ito ang orihinal na gusali ng pagmamahal.
Akalain mo iyon, may mabubuo pa lang pagmamahal sa pagitan ng boss at ng impleyado. Hindi ako makapaniwala noong kinuwento nila Andrei ang love story ng kanilang lola.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa may gilid, kita ko ang tanawin sa labas. Noong pumunta kami rito kasama sina Anya maraming tao ang café pero ngayon kaunti lang. Wala kasing pasok, bakasyon na at malamang nagbabakasyon na rin ang mga estudyante ng unibersidad.
Pwede ring pumuwesto sa labas, may malaking payong ito, may bilugang mesa at high chair. Ang cute nga ng style, tatlong nakahilerang malalaking payong at limang table and high chairs.
Nilantakan ko ang cookies, kakaiba ang isang 'to. May maliliit na hugis pusong chocolate, nagsusumigaw ng labis na pagmamahal. Hindi kinulang sa lasa, sakto ang sangkap. Kung matitikman mo at kung isa kang chocolate lover matitiyak kong magugustuhan mo ito. Nasa parehong flavor ang frappe at cookies na inorder ko.
Napantig ang tainga ko nang may marinig, hindi kalayuan sa aking pwesto. Hindi ko na nilingon kung kaninong boses iyon pero nasisiguro isa siyang lalaki.
"I'm waiting, Akira" Sabi nito.
Hindi ko alam kung kapareho ba ng kanyang boses ang hitsura nito ngayon. Ang lalim at diin ng pagkasabi niya sa bawat salita. Walang sumagot, siguro nasa kabilang linya ang kausap niya.
"What? Gusto ko rito. Final" Teka lang ha. Hindi ko naman ito sinasadya pero talagang naririnig ko ang lalaki.
Malakas ba ang boses niyo o talagang malakas ang pandinig ko?
Hindi na muli nagsalita ang lalaki. Tinuon ko na lang din sa pagkaing nasa harapan ang buong atensyon. Hindi ako dapat nakikinig sa usapan ng iba. Nangangalahati na ako sa aking frappe nang narinig ko na naman ang lalaki, may kausap na ito ngayon.
"I told you, huwag kang pumunta rito!" Kilala ko ang boses na iyon.
Kung nakuhang kong balewalain ang lalaki, magkaiba ito ngayon. Hindi ko napigilan ang sarili at nilingon ang gawi nila. Tama nga ang hula ko, si Akira Herrington ang babaeng nagsalita. Matatalim ang mata nito na nakadirekta sa lalaking kaharap.
Should I say hello?
Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Akira. Pinisil niya iyon, halos magdikit na ang kilay ni Akira. Hindi kami ganoon ka-close kaya nagdadalawang isip din ako kung babatiin ko ba siya o hahayaan na lamang.
"Si Ma'am Akira naririto" puna ng babaeng nasa counter.
Nagdesisyon akong hayaan ang kaibigan at ibinalik na ang atensyon sa frappe. Sa tingin ko, oras na para umuwi. Dinungaw ko ang wall clock ng café, alas tres na ng hapon. Nilisan ko ang kinaupuan at nagtungo sa counter, nag-order ako ng mocha cake para kay Mama. Umalis na rin ako kaagad nang nakapagbayad.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...