Umiling-iling ako. Ngayon ko lang naramdaman ang mainit na tubig sa aking pisngi. Nakadirekta ang mapanuring mata ni Leo sa hilam kong mata.
"T-Tumayo kana, Leo" Mahina pero sapat lang para marinig niya.
Saglit kong nakalimutan ang kasamahan sa silid. Tanging si Leo lamang ang nangibabaw sa akin ngayon. Awang-awa ako sa itsura niya, may mga pasa at maruming damit. Humupa na ang tensyon sa buong silid. Si Leo ay nagpapahinga na ngayon sa sofa. Naghihintay kami ng hudyat kung maaari na ba kaming umuwi, wala pa rin ang Presidente at ang bise nito.
Ang tahimik na silid ay ginimbal ng malakas na sigaw ni Elle Mania Chavez. Malakas niyang tinulak ang pinto galing sa labas, nasa likod nito ang babaeng tinawag nilang Suzanne. Nakatungo hindi man lang nag-angat ng tingin nang nakapasok sa silid. Si Elle naman ay may matatalim na tingin, nakadirekta sa akin. Nang tuluyan na silang nakapasok ay tinuro niya ako. Dinuro niya ako sabay bitaw ng mga salita.
"Walanghiya ka talaga, Azalea. Dinamay mo pa ako sa kalandian mo! Kasalanan ko pa ngayon ah!" Sigaw niya.
Matulin ang daliring nakaturo sa akin. Hinawi iyon ni Anya, tumayo siya, hinarang niya ang paningin ko kay Elle. Ang mga lalaki'y nakatayo na rin, ako at si Velasquez lamang ang nakaupo. Gaya ng lagi nitong mukha, may ngisi sa labi. Animo'y nasisiyahan sa nakikita.
"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihan ang kaibigan ko ng malandi! Ikaw Elle, hindi ba isa kang Chavez? bakit uhaw na uhaw ka sa atensyon? kulang ba ang binibigay ng pamilya mo kaya ka kumakapit sa patalim at ibabaliktad ang lahat" Matapang ang bosed ni Anya.
Hinila ko siya, hindi siya natinag kaya tumayo na ako. Pinantayan ko siya. Hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko ngayon, paiba-iba ang emosyon ni Elle. Kung kanina para siyang sundalo na handang sumabak sa giyera ngayon para siyang batang babae, takot makalmot ng kuting.
Lunapit si Yohan at si Suzanne kay Elle, nanatiling nasa likod nito. Handa sa anumang gagawin ni Elle. Walang nagsalita kundi ang matapang na kaibigan.
"Ang lakas talaga ng loob mo, kinalaban mo pa talaga ang inosenteng tao para pagtakpan ang ginagawa mo. Nakakahiya ka, nakakahiya ka sa mga chavez. Malakas ba ang loob mong gawin iyan dahil sa pamangkin ka ng isang mayor? Patuloy ni Anya.
Kaya pala pamilyar ang pangalang Chavez. Pamangkin pala siya ng Mayor ng lungsod. Nakakalungkot lang dahil sa tingin ko malalagpasan ito ni Elle, isang dampi lang ng mayor mawawala na ang issue.
"Tama na 'yan, Anya. Let's wait for Dad's words" pigil ni Leo sa maaaring ibunyag ni Anya.
Hinawakan ko na sa braso ang kaibagan, ramdam ko ang pag-iingat nitong huwag ako masaktan. Sila ni Leo. Lubos kong ikinatuwa na nagkaroon ako ng kaibigang tulad nila.
Akala ko huhupa na ang tensyon sa pagitan namin ni Elle. Akala ko ang pag-upo ni Anya sa sofa ay magiging rason upang kumalma, pumirmi at maghintay sa nakakataas. Hindi ko inaasahan ang paggalaw ni Elle, nahablot niya ang aking buhok. Ininda ko ang sakit, pakiramdam ko makakalbo ako sa ginawa niyang paghila. Masakit ang paghila niya, ramdam na ramdam ko ang hapdi. Napapikit ako.
"Elle, Ano ba! Bitawan mo ang buhok ni Azalea!" Sigaw ni Anya.
Pinaghahampas niya ang braso at kamay ni Elle na mahigpit na nakahawak sa buhok ko. Tumulong na sina Leo, Andrei sina Yohan sa pagpigil ng kasamaan ni Elle. Hinila siya ng mga kaibigan nito kaya napahiyaw ako, mahigpit pa rin ang kapit nito sa aking buhok kaya ganoon na lamang ang sakit.
Hindi ko na kayang umiyak pa. Ubos na yata ang luha ko, pero ang nararamdaman kong galit unti-unting umaapaw. Wala nang mapaglalagyan. Itinaas ko na rin ang kamay ko upang hilain ang kanyang buhok, sa sakit ng paghawak niya'y hindi ko napagbutihan ang hablot sa sakanyang buhok. Mahina ako, malakas siya kaya hindi ko pa rin siya nasaktan sa hila ko. Hindi kaya ng humila kay Elle na pigilan siya. Pumagitna na rin si Leo pero nanatiling mahigpit ang hawak nito sa buhok ko.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...