She's Back..
She's Back..
She's Back..
Parang nabingi ako ng ilang sandali, hindi ko maproseso nang buo ang ibig sabihin ng kanyang sinabi pero may kumakalabit sa aking isipan na alam kung ano ang pinapahiwatig nito, ang puso ko hindi sumasang-ayon.
Kabaliktaran ng aking isipan!
I tried to talk at para magawa iyon kinailangan ko pang umubo ng peke, tinatant'ya kung may boses ba akong mailalabas.
"Sino Leo? Who's back?" I managed to asked him that.
Sinuri niya ako, ang kanyang mga mata ay malalim kung tumitig, ang pagkunot ng noo nito nagpapahiwatig ng kalituhan. Ngumiti ako, pilit na itago ang tunay na damdamin.
"Stacey.." Sinabi niya iyon sa pagod na paraan, nakasandig sa kanyang inupuan at hinihilot ang sintido.
Why Leo? Anong mali sa pagbabalik niya?
"That's good, may pagkakataong para makapag-usap kayo" I fake a smile as I told him that.
Kailan pa ako natuto sa bagay na ito?
Hindi niya na ako kumibo, ako naman ay hinayaan ang kanyang pananahimik. Kahit gusto ko pang malaman pero hindi ko naman makakaya na makikita niya ang pagbabago sa akin. Dapat ba maging masaya ako dahil binahagi niya ito? Ito ba ang tinutukoy niyang sasabihin niya? Ano bang dapat kong maramdaman sa pagbabalik mo Stacey?
"Bakit mo nga pala sinabi ito sa akin, Leo?" Bakit nga ba? Para sabihing bumalik siya at magkikita kayo? hindi ko alam! Tsk!
Nasa kanyang sasakyan na kami, inaya niya akong mamasyal pero tinanggihan ko siya. Sinabi kong may gagawin kami ni Dahlia, nakilala niya na si Dahlia dahil nagkausap kami noong pang limang araw ni Dahlia sa amin.
"Inaakala ko lang na baka gusto mong malaman" malamig niyang sabi.
Gusto mo bang malaman, Azalea? Ginusto mo bang malaman?
Hindi na rin ako kumibo, tahimik kaming dalawa hanggang sa tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay namin, ilang pihit niya na lamang ng kanyang manibela'y nasa kanilang bahay na ito. Nakaparada ang sasakyan niya sa tapat ng bahay, gusto ko ng bumaba pero may pumipigil sa akin, hindi rin kasi siya gumagalaw sa kanyang upuan. Tulad ko, may gusto rin siyang sabihin. Ngunit may pumipigil sa kanya.
Nanatili ako roon ng sa tingin ko ay tatlong minuto bago ako nagpasyang bumaba, kinalas ang lock ng seatbelt, bago ako bumaba nag-iwan ako ng mga salita sa kanya.
"Leo, buuin mo muna ang puso mo gaya ng pagbuo ko ng akin. Narito na siya, pagkakataon mo na para linawin ang lahat. Pinapahalagahan ko ang namamagitan sa ating dalawa, ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa hindi ka pa buo" padarag kong sinarado ang kanyang pinto.
Kung saan ko man hinugot ang lahat ng iyon ay pasasalamatan ko sa huli, tamang salita sa malabong nadarama! Bago pa man ako makahakbang ay nagsalita na siya.
"Matagal ng buo, matagal na, Rose. Ikaw ba, buo kana?" Hindi ko siya binigyan ng kahit na anong salita, kahit sulyap man lang.
Hindi ganoon kadali paniwalaan, Leo. Sa tingin ko nasa gitna ka ng nakaraan at sakalukuyan.
Dumiretso na ako sa paglalakad at iniwan siya, ayokong malaman niya na nabuo ko na nga ito, ayoko. Lalo na nagbabalik ang una niyang minahal. Sa takot kong matulad sa dati ay hindi ko ipapaalam na buo na talaga ako, bagkus ipapakita kong hindi. Kung mananatili siya isa lamang ang ibig sabihin, tunay ang nadarama niya.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Ficção AdolescenteLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...