KABANATA 9

298 18 42
                                    


Bumuntong hininga ako at nagpasyang kalimutan na lamang ang alitan namin ni Leo, alitan na hindi ko alam kung saan nagsimula.

Napagod na rin ako kakatakbo sa tuwing lumalapit siya.

"Good morning, Azalea" Bati nito.

Ngumiwi ako. Magdadalawang linggo niya na itong ginagawa. Ang pagbati saakin kahit na alam niyang wala akong balak na gantihan.

"Morning too" Naisatinig ko ang mga salita na nasa isip ko lamang.

Gumalaw ang kanyang mga labi at dahil don nasilayan ko ang ngiting pilit niyang tinatago.

"See you around" Putol ko sa titigan namin at dali-daling umalis sa kinatatayuan.

Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa lakas ng tibok nito.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi sa hindi malamang dahilan. Kainis! Azalea naman, ano 'to? Anong ngiti to? bakit para kang kamatis?

"Hoooooy!!" Napatalon ako ng bahagya dahil sa gulat.

I glared at Anya!

"Teka, huwag ganyan ang titig. Haha" Inirapan ko siya at humakbang upang malagpasan siya.

ngunit..

"Huwag kana pumunta ng room, wala tayong klase kasi nagmeeting lahat ng teacher. Kain na lang tayo" Saka niya ako hinila.

At kung minamalas ka nga naman.

"Saan punta niyo?" Nakangiting tanong ni Leo. Yumuko ako sa.

Maybe nahihiya ako. O baka naman naiilang! I really don't know.

" Kakain Leo, bakit?" Matagal bago sumagot si Leo.

"Pwede ba mag-kuya ka naman. Mas matanda ako sayo ng limang minuto" Maawtoridad na wika ni Leo.

Tumawa lamang si Anya. Umayos ako sa pagkatayo at pinantayan ang kanilang tingin sa isa't-isa.

"What's with you Leo? oh sorry kuya, hahaha bigla bigla ka na lang nagrerequest na kuya tawag ko sayo. Dati-rati you hate me because of that "kuya". "Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

Mukhang nairita naman si Leo sa nasabi ng kapatid. Alam kong madaldal itong si Anya.

"Fine, call me stranger then" Laglag panga ko, shit. Haha nagwalk-out lang naman si Leo pagkatapos sabihin ang call me stranger.

"Hala siya, ibang-iba ka Leo!" Isinigaw yan ni Anya kaya halos mapatingin na sa direksyon namin ang dumaraang mga estudyante.

Mababaliw ako sa magkapatid na Desporte.

Napabuntong hininga ako at tiningnan ang natutulog na si Anya sa nakalatag na dala niyang mantel. Imbes na mag-aral para sa nalalapit na exam heto siya at natutulog.

Nakakatuwa na nakakalungkot dahil ang dating lugar na ako lang ang nakakaalam ay may iba nang nakadiskubre at talagang Desporte twins pa.

"Anya, magc-cr muna ako" Nagpaalam parin ako kahit na alam kong mahimbing ang tulog ng aking kaibigan.

Anya's POV

Kumunot ang noo dahil sa narinig na boses. Teka..

"Azalea..., I'm so sorry. Sana mapatawad mo ako sa nagawa at nasabi ko sayo" Hala.

Sinong kausap ni Azalea?

Kating-kati akong malaman kung sino ang kausap niya ngunit isa akong mabait na kaibigan kaya bibigyan ko sila ng privacy.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon