Final day at mamayang hapon gaganapin ang huling pakulo sa bawat team. Ang bawat team ay may representative. It's a solo category, anything basta solo.Kinakabahan ako, confident ako na mananalo kami. Hindi naman nila ako pipiliin kung hindi, saka alam nila na may maganda akong boses, nakakahiya mang aminin pero OO!
Ang pahinang ito ay hindi alam ng aking magulang, ang ganitong event sa buhay ko. Baka madismaya ko lang sila kung nagpunta pa sila rito tapos matatalo rin naman ako. Okay na 'yung mga kateam ko lang, sapat na ang cheering nila para palakasin ang loob ko.
Hindi pa nga oras ng pagtatanghal ay todo cheer na itong mga kateam. Malinis na ang field, wala nang mga booth na nakatayo. May mga balloons na dala ang kateam ko, may banner pang pinagawa. Supportive?
Go Red team. Go Azalea!
May malaking mukha ko pa, nagpasalamat ako sa may ideyang iyon at hindi kinuha ang panget kong picture. Hindi ko maalala kung saan iyon? Kung kailan ako nakunan sa ganong anggulo. Hindi ko iyon naipopost sa bagong account ko. Wow ha! Baka galing kay Anya.
Ngayon ko lang nakikitang ang daming tao, nakikita ko na sa kung saan-saang pasikot ang iilang teachers namin, 'yung mga taong nasa araw na iyon, mga taong nakasaksi ng kahihiyang natamo ko.
Napalunok ako, nilunok lahat ng namumuong hiya sakanila. Ayokong ipakitang naapektuhan ako sa presensya nila. Taas noo parin ako tuwing dumaraan sila sa harapan ko. Ako lang yata ang nag-iisip ng ganon, ako lang yata ang hindi pa nakapagmove-on sa nangyari. Dahil parang wala lang sakanila, imbes na pagtsismisan nginingitian nila ako. Naggugood luck. Nag-oover think na naman ako sa lahat ng bagay!
Ginantihan ko ng mas matamis na ngiti ang binibigay nila saakin. Medyo na gulat pa ako nang sumunod kong makita ay si Elle. Okay, kailangan ko nang itatak sa isipan ko na lagi ko silang makikita, sa ayaw man o sa gusto ko. Tulad ng pagkakilala ko kay Elle, maganda lang siya sa panlabas na anyo pero kung kalooblooban na ang pag-uusapan bagsak siya.
Nakataas ang kanyang kilay, wala siyang ibang kasama. Nakasuot siyang mini skirt at pulang halter top. Mataas rin ang takong ng kanyang sandal. Tumitingkad ang kulay niyang gatas sa suot niyang pulang top, tinerno niya sa kanyang labi na slightly red ang shade. Ang pilik mata niyang nakacurl. Ang kilay niyang perpekto, sumisigaw ang awra niya. Sinasabing MAGANDA AKO!
Parang sampal saakin, ayoko mang isipan ay naiisip ko parin. Siya ang babaeng ayaw kong makita, ayoko ring matulad sakanya. Kaya, kahit nakakainis hinding-hindi ko babaguhin ang sarili ko, para lang makipaglebel sa ganda niya. Kontento na ako, iyon ang tumatak sa isipan ko nang makita ko siya ngayon.
Imbes na hayaan ang sarili sa imahe ng madilim na pangitain ay umalis ako, sumunod ang kateam ko saakin.
"Alam mo Aza, sa blue team hindi naman siya iyong representative nila. Si Abigail tapos biglang siya? Pansin ko lang ah, parang nakikipagkompetensya siya sayo, nako kay galing pa naman nong sumayaw" Nagsalita si Nica.
Hinayaan ko iyon, wala akong pakealam. Ang kailangan ko ngayon ay patunayan ang sarili ko.
"Mas magaling pa rin si Azalea no" Singit ni Roy.
Dinugtungan ni Nica ulit. Hindi ko na lamang sila pinansin sa issue nila sa buhay, may kanya-kanya kaming issue, busy sila at busy ako.
"AZALEAA" Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na iyon, naningkit ang mata ko nang makita ang tumawag saakin.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...