THIRD PERSON'S POV
"Hindi mo na ako kailangan pang sunduin sa klase, marunong akong umuwi mag-isa" Inis na usal ni Anya sa kanyang kakambal na si Leonardo.
Hindi sila magkaklase sapagkat mas matalas ang pag-iisip ni Leo kumpara kay Anya. Napakamot naman ng ulo si Leo at iniwan na si Anya, hindi naman siya pumupunta sa klase ng kanyang kambal upang sunduin ito, kundi tingnan kung naroroon pa ba ang matagal niya ng crush. Nang makita niyang wala ay tuluyan na siyang umalis, hindi na hinintay pa ang kanyang kapatid.
Grade 10 silang pareho ng kanyang kaibigan, crush na kaklase ni Anya at ang kaibigan niyang lalaki. Matalik na kaibigan na nangangalang Andrei Herrington, nagkasundo sila noong panahon na sumusulyap siya sa klase ni Andrei Herrington noong grade 9 pa lamang sila, kaklase kasi ni Andrei ang crush niyang noon na si Stacey Dela Victoria.
"Sinong sinisilip mo r'yan" Pagalit na tanong ni Andrei kay Leo.
Nagulat naman si Leo nang maabutan siya ni Andrei, nahihiya siya dahil nahuli siya nito na sumisilip sa loob ng klase.
"Ahhh wala" Agap ni Leo.
Hindi naniwala si Andrei at agad nang sinugod si Leo, naiinis siya dahil malapit sa kanyang sinilipan ang kakambal nitong si Akira. Ayaw niyang may kung sino mang mambastos sa kakambal niya.
"Sinisilipan mo ba ang kapatid ko?!" Atake nito ng salita at masungit na lumapit kay Leonardo.
Kumunot ang noo ni Leonardo dahil na rin sa gulat, hindi niya aakalain na kapatid pala ni Andrei ang crush niya.
"Magkapatid kayo ni Stacey? sorry, crush ko kasi siya. Ang ganda niya, 'di ko maiwasan hindi siya dalawin at silipin mula rito" Kumalma si Andrei nang marinig niya iyon galing sa lalaki.
"Hindi, akala ko kapatid ko ang sinisilipan mo. Hindi ako magagalit sayo kahit na crush ko rin siya" Sabi ni Andrei.
Tulad ni Leonardo crush din ni Andrei ang magandang babae sa kanilang klase bukod sa maganda marunong pa itong mag-drawing na laging nakakasali sa drawing contest ng school at laging umuuwi ng parangal.
"Kung ganoon, may the best man win na lang" Matapang na sinabi ni Leo kay Andrei.
Sa ganoong paraan sila naging magkaibigan, sa hindi inaasahang pagkakataon nakahanap sila ng tunay na samahan dahil sa iisang babae. Pero naglaho ang pagtingin ni Andrei kay Stacey nang makilala nito ang kakambal ni Leo na si Anya Cathnise Desporte, simula pa lang inaasar niya na si Anya. Sa ganoong paraan niya pinaparamdam na crush niya si Anya na kahit si Leo ay hindi na rin nag-isip ng ibang motibo sa kinikilos ng kaibigan.
"Sorry bro, hindi ko na pala crush si Stacey. May iba na akong gusto at hindi ko sasabihin kung sino" Sabi nito isang araw nang nagpapahinga sila matapos ang klase, nasa rooptop sila ng building, nakatanaw sa baba kung saan kitang-kita ang kababaihan na nagpapraktis ng sayaw. Kabilang doon si Stacey, Akira at Anya.
"Hindi naman ako interesado, mabuti pa tulungan mo akong manligaw sa kaklase mong si Stacey!" Natuwa nang lubos si Andrei. Hindi niya aakalain na hihingi sakanya ng tulong ang kaibigan, ano bang alam niya sa panliligaw.
"Sa akin ka papatulong? wala akong alam bro, mabuti pa puntahan natin si Mr. Desporte" Si Mr. Desporte ang namamahala sa school bukod sa iba't ibang administrasyon.
BINABASA MO ANG
I Hear Your Voice (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Azalea Rose Medina sa piling ng mag-asawang Medina, labing walong taon siyang walang kaalam-alam na ang mga ito ay hindi niya tunay na magulang bukod pa sa sakit ng paglilihim nilang iyon nakaranas din si Azalea ng sakit na dulot ng pag-ib...