KABANATA 20

236 16 6
                                    

Ang mga nagdaang araw ay nagbigay ng leksyon sa aming lahat. Maraming nagkasala pero natuto pa rin sa kamaliang nagawa.

Humingi ng tawad si Mateo Carpio at Suzanne Villaflor sa sumunod na araw, hapon iyon at nasa praktis pa ang lahat. Hindi ko inaasahan ang paglapit nilang dalawa sa seksyon ko. Nang nakalapit na sila sa akin ay hinabol pa ng tingin ng aming presidente sa klase
ang dalawang lumapit.

Ayan na naman ang pag-irap niya, hindi ba ito nagsasawa sa tuwing makita ako'y lagi na lang umiirap?

"We we're really sorry, Azalea. Sana hindi rito magtatapos ang pag-uusap natin. Hope we can be friends" nakangiting sabi ni Suzanne.

Tumango-tango naman si Mateo. Sino ba naman ako para hindi tanggapin ang kanilang 'sorry'.

"Okay na at least may natutunan tayo sa mga nangyari tsaka plano na rin iyon ng Diyos. Kung hindi ko pa iyon narinig edi sana hanggang sa magcollege tayo ganoon pa rin ang iniisip ninyo tungkol sa akin, mananatili akong ganoon sa paningin ninyo" Sabi ko.

May sasabihin pa sana si Suzanne nang tinawag na ako ng aming presidente. Gusto ko na talaga ito kumprontahin, may galit ba siya sa akin?

"Azalea, nagpapraktis tayo. Ano pang ginagawa ng kaibigan mo riyan" Inunahan ko na siya sa pag-irap.

Bwesit. Iniiwasan kong huwag magalit sakanya pero siya itong naghahanap ng paraan para magalit ako. Nakaramdam ang magkasintahan kaya nahihiya silang bumalik sa kanilang seksyon. Mamaya tatanungin kita pres, nakakaasar kana! Wala kana sa lugar kung magalit.

Heto ang huling araw ng practice namin, bukas na ang big day sa buhay ng bawat isa. Nang matapos ang practice ay nilapitan ko na ang masungit naming class president. Hindi pa nga ako nakakalapit ng tuluyan sinamaan niya na ako ng tingin.

"Matanong nga kita, Leanne. Anong kasalanan ko sayo? bakit ang sungit sungit mo sa akin? may nagawa ba ako na ikinagalit mo?" diretso kong tanong.

Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya siguro naisip na maaari ko siyang kumprontahin dahil sa pagsusungit niya sa akin.

"Wala. Bakit ba, eh sa masakit ka sa mata" Umawang na ang labi ko sa naging sagot niya.

Paano ako naging masakit sakanyang mata?

"Paanong nangyari iyon? Sabihin mo nga Leanne. Bukas gagraduate na tayo dapat wala na tayong hinanakit sa isa't isa, kung galit ka sa akin sabihin mo nang makapag-sorry naman ako sayo" Pahayag ko.

Hindi siya kumibo, inayos niya ang kanyang gamit at handa nang iwanan ako. Pero napatigil siya nang lunapit sa amin ang kambal.

"Anong pinag-uusapan ninyo?" Si Anya ang nagsalita.

Hindi ko sinagot si Anya dahil mas gusto kong si Leanne ang sasagot no'n.

"Nah, just about life after graduation" Sagot niya.

Kumunot ang noo ko sa naging sagot niya, malayo sa napag-usapan namin.

"Ah ganon ba. Nga pala Azalea nag-imbita si Akira na magcoffee sa kanilang cafe"
tumango ako sa sinabi ng kaibigan. Kahit hindi ko iyon naintindihan, paano ba naman nahuhuli ko ang mga mata ni Leanne. Kung saan siya nakatingin, kung sino ang pinagmamasdan niya.

Nagulat siya nang magtama ang paningin naming dalawa. Wala ng sabi-sabi'y umalis siya. Ngayon alam ko na kung bakit siya ganoon sa akin, may gusto siya kay Leo base na rin sa nakikita ko sa kanyang mga mata.

Nagagalit ba siya dahil palagi kaming magkasama ni Leo? wala naman siyang dapat na ikagalit. Magkaibigan lang kami ni Leo at wala namang masaya ro'n. Nawala na sa isipan ko ang nalaman tungkol sa tinatagong lihim ni Leanne, tumuloy kaming magkakaibigan sa coffee shop nila Andrei.

I Hear Your Voice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon