PROLOGUE

9.8K 200 14
                                    


Louisa's POV

Minsan napapamura na lang talaga ako ng malakas dahil sa pagiging estudyante ng Pilipinas. Gigising ng maaga, maliligo gamit ng tubig na galing ata sa Antartica sa sobrang lamig, minsan wala ng umagahan sa sobrang pag-mamadali, tapos kakaunti pa ang tulog. Sana naman at worth it lahat ng ito sa bandang huli.

Lalabas na sana ako ng kwarto ko nang naramdaman kong magaan ang aking leeg. Umirap ako sa sarili ko at binalikan ang aking ID na may nakatakip na papel sa picture ko. Haggard ba naman akong kinuhanan ng litrato. Nakakainis naman kasi yung photographer, hindi man lang humanap ng magandang anggulo. Dinaig pa ang araw sa liwanag na flash eh.

Tinignan ko pang mabuti yung ID ko at...ito na rin po siguro yung introduction ko. Namewang ako sa harap ng salamin at kinuha ang suklay bilang micropono.

Ladies and gentlemen, girls, boys, aliens and other anonymous beings, my name is Louisa Fontanilla Montecort. Eighteen years old, at nagaaral sa Elmore High School. At simula noong naaksidente ang tatay namin, naging mahirap kami. Tanging ang kuya Luis ko na lamang ang naghahanap buhay para tustusan kami. Dahil dito, nagsikap ako sa pagaaral at nakapasok sa isang pribadong paaralan bilang isang scholarship student.

Nagsuklay na ako saka sinuot ang ID. Late na ata ako.

Bumaba na ako at naabutan si mama na nagluluto ng almusal niya. Oo, almusal niya lang. Nasanay na rin kasi siyang hindi ako kumakain ng agahan at tanging mansanas lang ang pampatanggal ko ng gutom.

"Kumuha ka na ng epple mo at pumasok ka na. Late ka nanaman." Natawa lang ako saka kumuha nga ng mansanas.

Kumagat ako, "Anong oras dumating si kuya kanina?" Tanong ko. Nightshift kasi siya sa may malapit na bar bilang isang bartender. Ipinasok pa rin siya doon kahit na hindi niya natapos ang kursong iyon.

"Dating oras, anak." Sagot naman ni mama. Napangisi ako't hinalikan sa pisngi yung nanay ko. "Sus, itatakas mo nanaman yung bike niya."

"Love you, 'ma." Tanging sabi ko saka lumabas na ng bahay. Nakakatamad kasing maglakad minsan kaya ginagamit ko na lang yung bike ni kuya habang tulog siya.

Mga alas kuwatro siya umuuwi kaya naiuuwi ko yung bike sa tamang oras. Twelve hours yun matulog kaya mamayang four ulit ang gising niya. Para nga siyang bampira eh--pero hindi totoo ang bampira. Mythical creatures lang sila kaya napaka-imposibleng bampira nga ang kapatid ko. Close kami ng kuya Luis ko noon pero simula noong nagkaroon siya ng trabaho, hindi na kami ganoon kadalas magsama.

Mabilisan akong nag-pedal at nakarating agad sa school. Hindi pa naman nag-bell hahaha. Kinadena ko na ang bike ni kuya saka dumiretso sa first subject ko.

Math.

Good morning, hell.

****

Napapamura na lang ako ng mahina nang makitang 3:30 PM na. Magigising na si kuya mamaya at hindi pa tapos ang klase.

Ser, time na po, ser. Mapapatay ako ng kapatid ko, ser. Ser, maawa ka, ser.

"Time na pala. Class dismi--" inunahan ko pa si Sir at lumabas agad. Tumakbo ako sa may parking lot at tinanggal agad ang kadena. Aisht. 3:35 na! Nag-pedal agad ako at dadaan sana sa dati kong dinadaanan nang makita kong may traffic. Mukhang makakarinig ako ng sermon mamaya.

Bahala na nga.

Nag-U turn ako sa may shortcut. Liblib siyang lugar at unting tao lang ang napapadaan doon. Juskong 'yan, sana naman at hindi pa siya gising. Binilisan ko ang pag-pedal ko habang pinapawisan ng todo. Mukhang mababawasan ang allowance ko bukas huhu.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon