Chapter twenty seven: Fieldtrip Part 4

2.5K 61 4
                                    

A/n: Didn't even notice we're already halfway towards the ending. Sheeesh.

Louisa's PoV

"Pangil?"

"Ano?"

"Mamahalin mo pa rin ba ako kung naging uod ako?"

"What the fuck?"

"Sige na, sagutin mo na dali."

Tinitigan niya lang ako ng tatlong segundo at bumigay din.

"Of course I will still love you even if you transformed into a fucking worm." Nagdikit mga kilay niya. "What the hell is that about?"

"Wala lang," tumanaw ako sa labas ng bintana ng limo. Dumadaan kami ngayon sa may tulay malapit sa Pacific Ocean. "Tine-test lang kita."

Pinanood kong lumipad ang mga seagulls sa may karagatan kung asaan nakaparada sa bapor ang mga ferry. Nilipat ko ang atensyon kay Pangil at kinalabit siya. Bahagya siyang tumingala mula sa phone niya.

"Maganda naman ako, 'di ba?" Seryosong tanong ko.

"Of course you are." Mabilisang sagot naman niya at binasa mga emails niya sa phone niya. Lumapit ako sa kanya't kwinelyuhan dahilan ng pagkagulat niya.

"Maganda talaga ako? Promise?" Hindi talaga ako mapakali.

"O-of course you are." Utal niyang sagot. "What the hell is wrong with you?" Kumurap lang ako bago siya binitawan.

"Tine-test lang ulit kita." Mahinang sabi ko at tumanaw na ulit sa may labas ng bintana. Ramdam kong tinitigan niya ako ng mga ilang segundo bago bumalik sa pagbabasa ng mga emails. Napabuntong hininga ako, hindi man lang niya tinanong kung bakit tanong ako ng tanong.

Aaminin ko ng nagseselos ako sobra. At dahil sa sobrang selos ko, bigla na lang nagsilitaw ang mga insecurities ko. For the first time cinonsider kong magsuot ng makeup pero hindi ko tinuloy. Baka lalong dumami mga maliliit kong tigyawat. Pero nagpahid ako ng lip balm kanina para magmukhang fresh pa rin labi ko at 'di mukhang bangkay.

Dati hindi ko pinapansin mga pabango na binibigay sa'kin ni Pangil na Victoria Secret. Pero dahil sa nangyari kanina pinatulan ko na. Feeling ko tinitiis na lang ni Pangil yung tapang ng pabango ko kasi matapos kong gamitin iyon napapaklaro na siya ng lalamunan niya. Maski ata yung limo driver dahil napapaubo siya kanina pa.

Pero tae. Hindi man lang nagreklamo itong bampira. Alam ko namang sensitibo pang-amoy niya. Palibhasa, kinareer talaga ang pagtitiis.

Sumilip ako sa gawi niya, "Maganda ba a-"

"Alright, spill it." Humarap siya sa akin at bumuga ng hangin. Hehe. Mukhang nainis na siya. "What's going on? You've never asked me that before."

Tama siya. Ngayon ko lang siya tinatanong ng mga ganoong questions.

"Naninigurado lang naman ako." Ani ko. Naninigurado lang naman akong ako pa rin ang pinakamaganda sa paningin niya. At hindi yung bwisit na babaeng iyon.

"Simula noong nasa hotel pa tayo tinatanong mo na 'yan. Tapos kanina tinanong mo ako kung mamahalin pa rin ba kita kung naging uod ka. Umamin ka na. What's bugging you?" Napanguso ako sa kanya. Grabe naman, nagtatanong lang naman ako.

"Wala. Nevermind." Sa ibang tao na lang siguro ako magtatanong.

"Lucy," binalot niya ang katawan ko ng kanyang mga bisig, "be honest. What's on your mind right now?"

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon