Chapter forty four: Goodbyes and Drugs

2K 59 2
                                    

Louisa's PoV

Ayokong bumitaw. Kanina pa ako nanginginig habang akap-akap mga babes ko.

"Babe, umuwi ka ha?" Bumigat ang dibdib ko nang manginig din ang boses ni Chubby habang hinahagod ang likod ko. "Huwag mo kaming kakalimutan at baka malintikan ka sa akin."

"Paano kita makakalimutan kung ganyan ka makabanta?" Tanong ko. Nakasubsob ang mukha ko sa balikat niya habang si Ranz naman ay nakayakap sa aming dalawa rin. Isinandal niya ang kanyang ulo sa may ulo ko rin.

"Yung diploma mo kukunin ko para sa iyo. Pati mga medals, awards, trophies, certificates at pati na rin rank mo." Hindi ko alam kung inaasar ba ako nito or seryoso siya. Bahala na. Masyado akong emosyonal ngayon para isipin yung rank ko. "Itatago ko lahat iyon. Huwag mong kakalimutang balikan mga iyon ha?"

"Babalikan ko rank ko huwag kang magalala." Sayang naman yung pagiging valedictorian ko. Huhu.

Kasalukuyan kaming nakatayo sa harap ng mansyon namin ni Pangil. Nagdra-drama kami sa may initan. Kanina ko pa sana sila gustong hilain sa may silong pero bigla naman na silang umiyak.

"Bumalik ka sa aming buhay ha?" Aniya naman ni Ranz. "Make sure mong babalikan mo kaming buhay."

"Bakit niyo ba ako pinapatay? Huhuhu." Kung maka-akto naman mga ito parang mga timang. Pero sabagay, pati rin naman ako walagang kasiguraduhang walang pahamak na mangyayari sa'kin.'

"Hindi naman sa ganoon, babe. Pero parang ganon na nga." Upakan ko itong si Chubby e'. Tinong kausap.

Humiwalay ako sa yakapan namin at tipid na nginitian sila.

"Huwag kayong magalala. I will come back stronger sa inyo. And I promise you both na babalik akong tao pa rin." Tinignan nila ang isa't isa ng alanganin. Bumuntong hininga na lang ako. "I won't let that happen. I swear." Bahagya akong hinampas sa braso ni Chubby.

"Dapat lang, baka mamaya kami maging pagkain mo kung nagkataon." Biro niya sabay tawa ng marahan.

"At kung nagkataon nga hindi ko iinumin dugo mo. Magka-diabetes pa ako." Nagsitawanan kaming tatlo. Humarap ako kay Ranz at hinawakan ang kanyang balikat. "Alagaan mo ang best friend ko ha? 'Wag mo siyang paiyakin at ibibitin kitang patiwarik."

"Yes, ma'am." Sagot nito. Pansin kong namumuo mga luha ni Ranz kaya agad akong humarap kay Chubby. Ayokong nakikitang umiiyak si Ranz. Minsan lang iyon maging emotional kaya mas mabigat sa dibdib na makita siyang ganon.

"Alagaan mo rin itong uod ko ha? Iwasan mo pagiging topakin mo. 'Di nakakaganda 'yan." Bilin ko. Tumulo ang luha ni Chubby. Niyakap niya ako sa may leeg ng mahigpit. Wow, grabe. Ang sarap huminga.

"Babe, I'll miss you so much." Mahinang sabi niya at humiwalay agad. Fresh air.

"I'll miss you too. Both of you."

Nakaalis na sila matapos ko silang pilitin na pumasok na sila sa school. Ako pa magiging dahilan ng pagpunta nila sa office e'. Everyone's getting ready inside the garage. Nagpapasok na yung mga lalaki ng mga bags samantalang yung mga babae naman ay busy sa pag-navigate sa may mapa. 'Di ko pa rin gets kung bakit nila ginagawa iyon pero hindi ko na lang sila pinansin.

"Alright! Everything's settled." Nirolyo ni Ianna yung mapa at tinago sa loob ng shoulder bag niya. Kumunot ang noo niya, "Asan si Alex?"

Tinignan ko yung mga lalaking nakasakay na sa loob ng armored vehicle (hindi na raw nila isasauli amp) at nakitang wala nga si Alex sa loob.

"I'll get him." Boluntaryo ko't pumasok sa loob ng mansyon.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon