Chapter ten: More Wine, Less Roses

2.7K 75 4
                                    

Part Two

Louisa's POV

We've been waiting for almost an hour already.

Kanina pa ako galaw ng galaw sa may upuan ko gawa ng sobrang gutom. Tahimik lang kami ni Pangil na nakaupo sa may dining table, ni isa sa amin walang naimik. Kanina pa ako pasilip silip kung saan pumunta yung server at inaabangan siyang bumalik dala yung pagkain namin. Natisod ata si manong kaya 'di na makabalik.

Kanina ko pa dini-distract din ang sarili mula sa mga titig ni Pangil. Nahuhuli ko siya minsang pinapanood lamang ang bawat pagkilos ko. Inoobserbahan niya ba ako? Jusko. It's not like I'll jump into the river once he looks away.

"Pangil," tawag ko't tinaas niya mga kilay niya. "Hinuhuli pa ba nila pagkain natin? Ang tagal nila ih."

Umirap lang si Pangil, "Relax, they'll be arriving soon."

Ako naman ngayon ang umirap sa kaniya. Wala akong tiwala sa soon niya. Nailipat ang atensyon ko sa may fruit basket sa gitna ng lamesa. May mga mansanas sa loob nito kaya naman agad kong dinekwat yung isa't agad na kinagat.

Niluwa ko rin agad.

"Antae naman! Bakit may pekeng mansanas dito?!" Inis na tanong ko saka padabog na binalik yung may kagat na mansanas. Sinamaan ko ng titig si Pangil na ngayo'y humahagalpak ng tawa. "'Ge, tawanan mo pa ako. Humanda ka sa akin mamaya ha."

"O? Ano na naman gagawin mo sa akin?" Nainis ako lalo sa tono ng pananalita niya.

"Basta. Kung alam ko lang sana na uupo lang tayo magdamag dito nagdala na lang sana ako ng tinapay." Reklamo ko saka pinagkrus ang mga braso.

"Oks lang 'yan. Nasarapan ka naman siguro sa pekeng mansanas, 'no?" Sa sobrang bwisit ko, binato ko yung mansanas sa kaniya. Nasalo naman niya agad ito at marahang tumawa. "Vampire speed, baby."

"Mehmehmeh. Ewan ko sa'yo."

"Patay gutom pfft."

"Anong sinabi mo?"

"Patay gutom."

"Ikaw kaya patayin ko ano?"

"Psh. I'm already dead, remember?"

"Uso double dead, remember?"

"Maghintay ka kasi. Atat lang?" Inirapan ko na lang siya saka umiwas ng tingin.

Sana 'di niya narinig yung tunog ng tiyan ko.

For better or for worse, for rich or for poorer, for sickness and health. Kaya naman pala. Wala naman palang sinabi si pari na for hungry and for full.

May mga nagsidatingan ng mga servers na nakasuot ng kulay asul na tux at shades. Akala mo naman sasayaw silang lahat ng Gangnam Style e'. Gabing gabi pero nakasuot ng shades. May mga sumunod ding mga babaeng tigiisa ng dala ng pagkain saka nilapag mga ito sa lamesa.

Nagkatinginan na muna yung dalawang maids bago binuksan ang takip ng mga pagkain. Napanganga ako, well napalaway na rin. Kung sa dinner lang namin sa bahay napakasimple. Eto? This is far from being simple. Gordon Ramsey would be delighted to see these dishes.

"Psst!" Tawag ko kay Pangil na nagsisimula ng maghiwa ng karne. "Pangil!"

"What?"

"Anong tawag dito?"

"Pagkain."

"Joke 'yon? 'Di ako natawa e'."

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon