Chapter twenty two: Bruises

2.8K 77 4
                                    

A/n: Really sorry sa late updates. I've been so caught up sa work then I got sick. But here's the last update for tonight. Hope maenjoy niyo hehe.

Louisa's POV

Nagising na lang ako nang may tumatakip sa balikat ko. Sinilip ko saglit kung anong oras na at nakitang alas syete pa lang naman. Tangina. Kay aga-aga pa lang e'. Hinigpitan ko ang yakap kay Pangil at sinubsob ang mukha sa may bewang niya. Nakaupo na ba naman sa kama naming kabaong, ang aga kasi niyang magising.

"Lucy, wake up." Mahinang sabi niya. Bahala siya. Wala akong pasok ngayon kaya pwede akong matulog hanggang tanghali. Matutulog pa sana ako ulit pero umimik na naman itong isang ito. "You really have to wake up."

Hindi ko siya sinagot at sinubukan ulit na ituloy yung panaginip ko. Kasayaw ko pa lang si Chris Evans sa afterparty ng Grammys e'. Istorbo naman ito masyado.

It's been two weeks since the Halloween Ball. Everything changed between us. It's a good change. Hanggang ngayon sinasanay ko pa rin sarili ko sa new normal namin.

Naramdaman ko ang mga labi ni Pangil na dumampi sa noo ko.

"Lucy, your friends are here. They're already waiting for you downstairs." Awtomatikong bumangon ang katawan ko.

"Bakit 'di mo sinabi agad?!" Inis na sabi ko bago tumakbo papunta sa cabinet namin para maghanap ng damit na maisusuot. Nilingon ko siya nang hindi siya sumagot at naabutang kagat labi niya akong pinapanood. "Bastos ka talaga."

"W-wha...? What did I do? It's not my fault you look gorgeous with that dress." Uminit sobra mga pisngi ko at lalong tinakpan ng kumot ang hubad kong katawan. "Good thing you wear it every morning. Lucky me."

"Tangina mong canton." Bulong ko habang nagsusuot ng damit.

And yes...we have made love every night since that time I confessed. The new normal mornings are filled with surprise kisses, romantic breakfasts, then he drives me to school, proudly parking his car in the parking lot this time for everyone to witness. Then the new normal evenings are more...adult-themed.

"Masakit pa rin ba?" Nagaalalang tanong ni Pangil nang mapansing hindi pa rin ako makalakad ng maayos at nakahawak pa rin ako sa may balikat ko. Meron pa rin ata yung pasa doon gawa nung kagabi.

"Nagiging okay naman na, I think. Iinom na lang ako ng painkiller mamaya." Sabi ko bago lumapit sa kanya para bigyan siya ng halik. "'Wag kang magpakita mamaya ha?"

"Ikinakahiya mo ba ako, babae?" Natatawang tanong niya pero hinalikan ko lang siya bilang sagot bago ako tumungo sa pintuan. "I'll get back to you on that."

Hindi ko na lang siya pinansin at bumaba na para salubungin yung mga best friends ko. Naabutan ko silang nasa may sala na nagaakbayan. 'Kala mo naman pagmamayari nila ang bahay kung makaupo mga ito. Nakapatong ba naman mga paa nila sa may mesa.

"Hoy, ba't ganyan ka maglakad?" Tanong ni Chubby nang makita niya ako.

"Nag-hiking kami kahapon ni Alex." Mabilis na sabi ko saka umiwas ng tingin.

"AHAHAHAHA."

"Luh, si Alex ba 'yon? An'yare doon? Ba't natawa siya mag-isa?" Takang tanong ni Ranz habang hinahanap kung asaan si Pangil. Bwisit ba naman.

"Baka nanonood lang 'yon ng comedy." Pagsisinungaling ko. "Nasa taas siya ngayon."

"Hoy gaga ka, kanina pa kami naghihintay dito!" Tili ng baboy dahilan ng pagtakip ko ng tenga. Feeling ko ganon din ginagawa ni Pangil ngayon sa taas.

The Last of His KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon